Music: Angel with a shotgun by The Cab.Chapter 26
Bahagyang nanginginig pa ang aking mga kamay hawak ang isang armas na maaaring makapatay ng isang buhay, hindi ko lubusang naisip na darating ang araw na hahawak o gagamit man lang ng baril.
"diyos ko, iligtas nyo po ang mga taong darating para sa amin ng anak ko lalo na si Arex"
Pinilit kong itayo ang nanghihina kong katawan para maihanda ang sarili. Pumunta ako sa gilid ng pinto upang kung sakaling may pumasok para patayin ako ay makakagawa ako ng pagdepensa kahit papaano.
Nagsimula na akong magdasal.
"diyos ko, kayo na po ang bahala sa aming mag ina alam kong hindi nyo kami pababayaan" at sinundan ng Ama Namin.
Nasa pang walong 'Ama namin' na ako ng nakarinig ako ng malakas na pagsabog tingin ko ay hindi kalayuan sa kinalalagyan ko.
Mabilis akong naging alerto, kasabay ng pagbilis ng tibok ng aking puso dahil sa pinagsamang excitement at takot.
"andyan na si Daddy, Baby Exon"
--------------------------
Limang chopper ang unang lumapag sa gubat di kalayuan sa subject na lugar, sakay kaming tatlo nina Deliv at Marjan kasama ang ilan sa magagaling na miyembro ng Zephyr.
Maingat na kumilos ang lahat papunta sa kuta ng mga kalaban. Nauna ang grupo ni Deliv, grupo ng mga sniper na binubuo ng pitong tao.
Sila ang unang gagawa ng paraan upang makapasok kami.
"we're on position" boses ni Deliv sa earphone na nakakabit sa teynga ng bawat miyembro ng Zephyr, ilang minuto lang ng mauna sila.
"intayin mo lang ang signal ko Deliv" sagot ko.
"aye! aye!"
Nilingon ko si Marjan nasa likod ko lang, tinanguan ko ito na agad naman nitong naintindihan kaya mabilis ngunit maingat na kumilos papunta sa kabilang bahagi ng subject kasama ang kanyang grupo.
Ilang minuto lang nakalipas.
"handa na kami, kuya"
"heard it Deliv?" aniko.
"clear as crystal" wala pang limang segundo ay nakita na namin ang walang kaingay ingay na paghandusay ng mga armadong lalaking na nasa labas ng nabubulok na malaking mansyon.
"ikaw na Marjan" bulalas ko, kasunod ay ang malakas na pagsabog sa likurang bahagi ng mansyon.
Kinuha lang ng grupo nina Marjan ang atensyon ng mga kalaban. Ang grupo niya ang may pinakamaraming tao dahil sila ang harapang makikipaglaban at ang grupo ko naman ang papasok sa loob upang iligtas sina Lenie habang ang grupo ni Deliv ang nag aassist.
Mabilis na kumilos ang aking grupo papasok sa mansyon.
May mga kalaban ding sumalubong sa amin ngunit iilan lang dahil nga marahil ay papunta ang lahat sa likurang bahagi.
Sinisigurado kong napasok ko lahat ng silid na madadaanan ko, nagbabakasakaling nandoon si Lenie.
"Lenie !!" sigaw ko sa pang sampung kwartong napasok ko. Pawisan na ako at lalong bumibilis hindi lang ang kilos ko maging tibok ng puso. Pagkalabas ko ng silid na iyon ay isang putok ng baril ang nagpabalik sa akin sa loob.
Shit.
Inihanda ko ang sarili ko maging ang baril ko, saka patakbong lumabas ng silid at hinanap ang kalabang hindi naman pala kalayuan.
![](https://img.wattpad.com/cover/28468091-288-k906280.jpg)
BINABASA MO ANG
Angel with a Shotgun
DiversosIsang alagad ng diyos at isang mamamatay taong isinumpa na ang mundo. Sa pagkrus ng kanilang mga landas, kaninong buhay ang babaguhin nino..kaninong paniniwala ang mapapalitan..at sa kabila ng kanilang pag kakaiba, isang pagkakamali ang naganap. Is...