3

1.2K 25 2
                                    

CHAPTER 3

>Lenie’s POV<

 

 

 

 

 

Nagising ako sa pagbagsak ko sa sahig mula sa kama,kasabay ng pagtama ng liwanag ng araw na nagmumula sa isang maliit na bintana na nahaharangan ng bulaklaking kurtina, hindi pamilyar sa akin ang amoy ng paligid kaya mabilis kong iginala ang aking mga mata sa loob ng silid. Gawa sa kahoy ang pader, yung tipong pang-cottage na makikita sa mga resort ang dating nito. Tanging ang puting kama na hinigaan ko at ang isang side table na may picture frame na nakapatong ang tanging nasa loob ng silid. Dinampot ko ang picture para makita kung sino ang nasa larawan, dalawang tao ang nasa picture isang babae at lalaking magkaakbay at base sa pangangatawan nila hindi nalalayo ang edad nila sa edad ko.

 Ang babae ay morena na may maikling kulot na buhok, bakas na bakasa sa mukha nito ang kasiyahan. Napakaganda niya kung titingnan yung tipong orihinal na ganda ng isang Pilipina ngunit hindi ko tipo ang pananamit niya sa larawan dahil mukhang k-pop fan siya sa uri ng damit niya. Nalipat naman ang tingin ko sa lalaking kaakbay ng babae, kulay puting buhok at asul na mga mata hindi ako pwedeng magkamali, siya yung lalaking nahuli kong bumaril sa isa pang lalaki at siya din ang huling tao na nakasalamuha ko bago ako mawalan ng malay.

Pinagmasdan ko ang mukha ng lalaki sa larawan dahil hindi ko siya ganun natitigan nung gabing pumatay siya at eto lang ang masasabi ko, sa sobrang ganda ng tabas ng mukha niya at perpekto ng katawan niya na hindi naman ganun kalakihan ngunit alam mo ang pagiging buo nito ay mukha siyang anghel na ibinaba ng langit. Napakaamo kasi ng kanyang mukha na tila hindi gagawa ng masamang bagay gaya ng  pagpatay at lalo itong naging mukhang anghel dahil sa mga mata nitong asul. Nang muling sumagi sa isip ko kung paanong walang pag-aalinlangan niyang pinaputukan ang lalaking kaharap niya ay saka lang ako naalarma.

“nasa kamay ako ng isang mamamatay tao, nasa panganib ako” anang isip ko sabay ang tahimik na paglapit sa pinto, pinihit ko ang doorknob at laking gulat ko ng mapagtanto kong hindi ito naka-lock. Bahagya kong binuksan ang pinto at mabilis kong nakita ang kidnapper ko na payapang nagkakape sa veranda, nang tumingin ito sa gawi ko at naglakad papunta sa kwarto ay naghanap agad ako ng pwedeng ihampas sa kanya na maaari kong maging armas at makapagpatulog sa kanya ngunit hindi siya ganun masasaktan dahil ayokong makasakit ng kapwa.

Nagtago ako sa gilid ng pinto at inabangan ang kanyang pagpasok. Ilang saglit lang. .

BAGGSSSHHH !!

Tunog ng paghampas ko ng unan sa batok niya, napatingin agad siya sa akin tapos tingin sa unan na hawak ko at muling tingin sa aking mga mata.

“tingin mo makakatulog ako sa hampas ng unan ??” aniya habang nakataas ang isang kilay kasabay ng isang ngiti na parang nagpipigil ng tawa. Uo nga naman, kahit ata sanggol ang hampasin ko ng unan ay hindi talaga makakatulog dahil sa sakit. Binitawan ko na lang ang unan, napahiya ako eehh.

Angel with a ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon