4

936 21 1
                                    

CHAPTER 4

>Majie’s POV<

 

 

 

 

“paanong nawawala ??!!! eehhh wala namang-----Tiya Nalbe, paanong nangyaring nawawala si Lenie ???” histerical kong tanong sa Tiyahin ko na humahagulgol na din ng iyak. Napauwe na lang ako ng maaga mula sa pagtuturo ng tawagan ako ng Tiyahin ko para sabihing nawawala daw si Lenie.

“natagpuan lang daw kasi ang mga bag niya sa isang parking lot sa basement, hindi kalayuan sa isang walang buhay na lalaki” paliwanag ni Tiya, “ayaw ko sana sabihin ito Majie pero mukhang kinidnap ng kung sino ang kapatid mo, marahil ay nakakita siya ng isang marahas na pangyayari kung saan maaari siyang maging witness” dagdag niya, matalino ang tiya kaya mabilis siya sa pagko-conclude.

“tiya baka kung ano nang nangyayari sa kapatid ko” aniko habang umiiyak.

“kumikilos na ang mga pulis sa Manila, ang kailangan na lang nating gawin ngayon ay ang magdasal para sa kaligtasan ng kapatid mo” aniya. Napailing ako sa kanyang sinabi at tumayo mula sa pagkakaupo sa kahoy naming upuan tumungo sa aking silid at nagbuklat ng mga aparador namin.

“Majie, anong balak mong gawin iha ??” tanong ni Tiya na sinundan pala ako sa loob ng silid.

“hindi po ako mananatili dito at uupo lang habang hindi ko alam kung ano nang nangyayari sa kapatid ko” aniko habang nag-eempake ng mga damit ko.

“at ano namang balak mo iha ??”

“hindi ko po alam Tiya, basta hindi ako mananatili dito at uupo lang !!” tugon ko ng hindi man lang nililingon ang tiyahin ko at patuloy lang sa pagtiklop ng mga damit ko at paglalagay ng mga ito sa bagpack ko.

“paano ang trabaho mo dito ?? ang pagtuturo mo ??”

“mas importante po ang kapatid ko sa ngayon, dahil bukod sa inyo ay siya na lang ang meron ako” sagot ko kay Tiya, bahagya siyang natigilan sa sinagot ko saka ako tinulungan sa pag eempake ng mga damit ko.

“balitaan mo agad ako aahhh, may extra pera pa ako dito idagdag mo sa pamasahe mo papuntang Manila” aniya sabay punas nito ng luha, “diyos ko !! wala ho sanang masamang mangyari sa batang yon” bulong nito. Tumigil ako sa pagkilos at nilingon si Tiya.

“hindi po pababayaan ng diyos si Lenie, dahil alagad niya ito at alam kong binabantayan siya ng pininiwalaan niyang mga anghel niya” aniko at saka ngumiti, bata palang kami ay naniniwala na si Lenie sa mga anghel natatandaan ko nga nung sinabi niya sa akin na dalawa daw ang anghel ko at sa kanya ay isa lang daw. Limang taon palang siya noon.

Angel with a ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon