Epilogue

1.1K 33 10
                                        


Epilogue

'get out your guns, battles began..

are you a saint or a sinner..'

Naalimpungatan ako sa tunog ng aking cellphone sa may side table, may tumatawag.

Pinilit kong abutin ito ng hindi umaalis sa aking pwesto dahil ayokong magising ang anak kong nakadapa sa aking dibdib.

'they say before you start a war..
..you better know what you're fighting for..'

"Hello?" bungad ko sa tumatawag sa medyo antok pang boses.

"Good Morning Dude !!"  napairap naman ako sa ere ng marinig ang walang kwentang boses ni Deliv sa kabilang linya.

"Ano??"

"believe it or not, I passed my Filipino Subject. I know some tagalog words now, you want sample ?"

"Edi mabuti, pwede bang si Reylec muna ang istorbohin mo ?? Nag aalaga ako ng anak ko ngayon, bye" at agad kong in-end ang tawag at ibinalik ito sa sidetable.

Sinilip ko kung nagising ba ang aking anak, pero mukhang di man lang ito nairita sa boses ni Deliv.

Hinaplos ko ang manipis nitong buhok na namana sa akin ang kulay, puti. Ang kulay ng mga mata naman nito ay tila pinagsamang asul at itim, mga mata namin ni Lenie.

Mag iisang taon na si Exon kaya nakikita na sa features ng mukha nito kung kanino ito nagkakaroon ng kamukha, at masasabi kong halos lahat ay sakin niya nakuha ang tabas ng mukha pati kulay ng balat.

Bahagyang gumalaw si Exon, at kasunod ay isang ungot. Nagising na ang anghel ko, kaya naman binuhat ko din ito at tumayo na mula sa pagkakahiga.

"ma!!" untag agad ni Exon habang nakatingin sa akin at hawak ang pisngi ko.

Napangiti ako, ngunit may bakas ng lungkot.

"Pa, hindi ma..Anak naman ohh" aniko at maingat na kinurot ang maliit nitong ilong.

"ma!!" imik ulit nito.

Sa hindi ko malamang dahilan ay 'Ma' ang itinatawag sa akin ng anak ko sa halip na 'Pa'.

Maganda sanang pakinggan dahil nakakaimik na siya pero, ang gwapo ko naman para tawaging 'Ma'.

Inilapag ko muna sa kama si Exon, mabuti na lang at hindi ito malikot di gaya ng ibang bata kung ano ang pwesto nito kapag inilapag mo ito sa isang lugar ay ganon pa din ito kapag binalikan mo.

"Magdadamit lang si PA ahh, kukuha lang din kita ng damit para magdamit ka din, saka ka na mag half naked kapag may abs ka na" kausap ko sa anak kong nakatunghay lang sa akin.

"Ma!!"

"Pa!!" sagot ko dito at patakbo akong nagpunta sa walk in closet naming mag ama at nang nakakuha na ng damit ay mabilis akong bumalik sa anak ko.

"Ma!!" sigaw na naman nito.

"Pa.." kumbinsi ko pa din sa anak ko.

Bago ko pa ito masuotan ng damit ay sinubukan nitong tumayo kaya inalalayan ko ito hanggang sa yumakap ito sa akin.

"Ma!!"

Sa hindi ko malamang dahilan ay may lumandas na luha sa akin habang yakap ako ng aking anak.

"Ma...ma" anito.

Lagi na lang akong ganito na sa tuwing yayakapin ako ng anak ko ay umiiyak ako.

Marahas kong pinahid ang luha sa aking mga mata at inayos ng tayo ang aking anak.

"m-mahal na mahal ka ni Daddy" at hinalikan ko sa noo ang aking anak.

Hindi na lang kami nagdamit mag ama, pinang punas ko na lang ng luha ko yung damit ng anak ko.

"Arex?!"

Napalingon ako sa pinto ng kwarto namin para lang masilayan ang asawa kong may suot lang pink na apron.

"Pa!!" sigaw naman ng anak ko habang nakalahad ang mga braso sa direksyon ni Lenie.

Napatawa naman si Lenie sa sigaw ng anak namin sabay lunapit ito para buhatin si Exon.

"baby, bakit ba baliktad ang tawag mo sa amin??" tanong nito kay Exon.

Tumayo naman ako mula sa pagkakaupo ko sa gilid ng kama, tiningnan ako ni Lenie at hinawakan ang pisngi ko.

"niyakap ka ba ulit ni Exon??" aniya, tumango naman ako.

"Halatang umiyak ka ih" dagdag niya sabay tawa. Napangiti na lang ako sa kanya at hinalikan ang tungke ng ilong niya.

"naging madrama ka talaga ng mag kaanak ka" saad pa muli ni Lenie.

-------

"Ikaw ba ang kamag anak ng pasyente ??" tanong nito ng sinalubong ko agad ito.

"asawa po, kamusta sya ??"

Napailing ito.

"ano na po ?! ano ba ?!" galit kong sigaw sa Doktora.

"masyado lang kayong nataranta, natural sa isang buntis ang ganung karaming dugong lumabas sa kanya kasabay ng ilang tubig kapag nanganak, nawalan lang siya ng malay dahil sa pagod" paliwanag nito na nagpakalma sa akin.

"ililipat na namin siya sa isang private room upang magpahinga, maya may ay magkakamalay na din siya" saka ngumiti at tinapik ako sa balikat.

Napaupo naman muli ako sa upuan at nakahinga na ng maluwag.

Salamat po, Panginoon.

-------

"kain na tayo sa ibaba, nagluto na ako ng umagahan natin" ani Lenie.

Tumango naman ako.

"pero bago yun, magdamit muna nga kayong mag ama" natawa naman ako kaya kinuha ko ulit ng damit si Exon at dinamitan ito habang hawak ni Lenie, saka ako naman ang nagdamit ng navy blue na shirt at sweat pants sa baba.

Kinuha ko si Exon kay Lenie at hinawakan ang kamay ng asawa ko.

"ang clingy mo" aniya.

"sa iyo lang naman" sagot ko at saka hinalikan sa labi ang asawa ko.

--------------------------------------------------

Finally, natapos din ang story ni Arex *sigh*.. Thank you sa lahat ng nagtyaga na basahin ito lalo na sa panay ang comment *winks*

Marami pong salamat. Chow !!

ANGEL WITH A SHOTGUN is now signing off.

-A.K

Angel with a ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon