8

807 19 2
                                        

CHAPTER 8

>Lenie’s POV<

 

“h-hindi pa po ba bumabalik yung naghatid sa akin dito ??” muli kong tanong sa doktor na kasama ko dito sa silid, na nagngangalang Doktora Marisol, isang doktora na nagtapos sa isang kilalang unibersidad at sa halip na sa mga pribado at kilalang ospital manatili ay mas piniling dito sa mahirap na isla ng Binago. Mas kailangan daw ng isang doktor ng maliit na bayan ng islang ito, aniya. .ikatatlong linggo ko na dito sa center at maayos na aking pakiramdam. At sa ikatatlong linggo na iyon ay wala akong anino ni Arex na nakita.

“hindi pa iha eehhh, wala ka na bang ibang kakilala bukod sa lalaking iyon ?? baka pwedeng sila na lang ang kontakin ko upang makauwi ka na kung gusto mo” tugon naman nito habang nagliligpit ng kanyang mga gamit sa table niya.

May bigla akong naalala sa pagkakasabi ng doktor sa salitang ‘kontakin’ dahil sa totoo lang saulado ko ang contact number ng aking Ate, at maaari ko na siyang tawagan ngunit hindi ko alam kung bakit tila may parte ng katawan ko ang nagpupumilit na maghintay pa rin ako sa pagbabalik ni Arex. Dapat ay kinasusuklaman ko siya dahil sa sapilitan niyang pagkuha ng kabirhenan ko, ngunit ewan ko ba at parang gusto ko pa rin siyang makasama sa kabila ng nangyari. Marahil ay dahil nagustuhan ko din ito.

Magsisinungaling pa sana ako na wala akong kakilala pero naisip ko na nakakahiya na masyado sa doktora dahil medyo matagal na din akong nanlalagi dito sa center niya, mga damit na din niya ang aking naisusuot dahil ayon din sa kanya ay dinala ako dito ni Arex na tanging kumot lang ang saplot at higit pa dun ay wala pa ako mi-kusing na naibabayad sa kanyang serbisyo para sa akin.

“alam ko po ang cellphone number ng ate ko, pwede nyo po siyang tawagan at sabihing nandito ako” imik ko, tumango naman ang doktora at lumapit sa kanyang mesa upang kunin marahil ang kanyang cellphone.

Napahigpit ang kapit ko sa puting kumot na bumabalot sa bandang beywang ko pababa ng mapadako ang tingin ko dito. Muling sumagi sa isip ko ang nangyari sa amin ni Arex, ang alam ko ay umiiyak ako habang ginagawa namin iyon ngunit hindi ko naman siya pinipigilan. Anong matatawag sa nararamdaman ko nung mga oras na iyon kung ganun ??

At bakit ngayon ay hindi niya ako magawang balikan dito ?? Virginity ko lang din ba ang gusto niya ?? Wala na din ba siyang pakielam sa akin ?? O baka kapalit ng kalayaan ko ay gabing iyon ??

“iha. .” anang doktora sabay bigay sa akin ng cellphone, kinuha ko ito at sinimulan nang i-dial ang numero ng aking kapatid. Ilang segundo lang ng pag-ri-ring nito.

“hello ?? sino to ??” napahagulgol na lang ako ng iyak nang marinig ko muli ang boses ng nag-iisa kong pamilya dito sa mundo.

“a-ate. .si L-Lenie po ito” basag ang boses kong imik dahil na rin sa pag-iyak.

“L-Lenie ?? diyos ko po !! Nasaan ka ?? Ok ka lang ?? Nasaan ka ?? pupuntahan kita, sabihin mo aalalang-alala na ako sa iyo ihhh” anito sabay buhos ng iyak.

Angel with a ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon