21

922 25 1
                                    


CHAPTER 21

"sabi na nga ba ehh scripted lang ang lumalabas sa mga T.V" mahinang usal ng doktora na nasa tabi namin matapos akong dampian ng halik ni Arex. Magkapanabay kaming lumingon ni Arex sa doktora, bakas ang pagtataka sa sinabi nito.

"hindi talaga si Morisette ang tunay mong kasintahan, yung anak ng mayamang negosyante na malaki ang ambag sa industriya ng showbiz" paliwanag nito, sabay tingin kay sa akin "kundi ang babaing ito, mga artista nga naman ohh gagawa at gagawa ng paraan manatili lang sa rurok ng kasikatan" dagdag nito at saka tumayo kasabay ng pag iling ng ulo nito.

Napalingon naman ako kay Arex na kasalukuyang nasa kawalan ang paningin at mukhang malalim na ang iniisip.

"A-Arex. ." tawag ko muli sa pansin niya, nun lang siya napatingin sa akin at tipid na ngumiti, "sorry Lenie" aniya na ikinapagtaka ko, bakit siya nagsosorry ?? "sorry kasi, ang gulo gulo ng buhay ko" dagdag niya at saka yumuko.

Hinawakan ko naman ang pisngi niya at marahan siyang pinatunghay sa akin, nang nagtama ang paningin namin ay nginitian ko siya. Baby ito ang daddy mo, masama at nakakatakot ang una kong paglalarawan sa kanya pero ang totoo baby, hindi lang ang mukha niya ang may halong anghel dahil ngayon unti-unti ko nang nakikita kung gaano siya magiging kabuting ama sa iyo, anang isip ko habang nakatitig sa maamong mukha ni Arex.

"pinapangako ko Lenie iingatan ko kayo, iingatan ko kayo ni baby---" bahagya pa itong napatigil sa pagsasalita, na parang may gusto itong idugtong ngunit nag-aalanganin.

"Exon, baby Exon. .Arexon Hechenoven Jr." saad ko habang nakatingin sa kanya, hindi agad siya nakaimik sa sinabi kong pangalan, nanatili lang itong nakatitig sa akin na nakaawang ang bibig.

"h-hindi mo ba gusto ?" bakas sa boses ko ang pagkalungkot sabay yuko, akala ko kasi gusto niyang magkaroon talaga siya ng junior kaya siguro nag assume agad ako.

"sh*t !! anong hindi gusto ?! gustong gustong gustong gusto ko Lenie !! hindi mo alam kung ilang beses mo akong pinasasaya ngayong araw palang na ito !!" saad nito sa masayang tono kaya naman napatunghay na muli ako. "baby Exon, naririnig mo ba si Daddy ?? wag mong masyadong pahirapan ang Mommy ahhh ?? wag kang gumaya kay Daddy na pasaway" na sinundan nito ng pagtawa.

"thank you talaga, Lenie, thank you thank you !!" usal muli ni Arex. Masarap sa pakiramdam kung gaano kasaya si Arex sa existence ng anak niya, pero may bahagi ng puso ko ang bahagyang nasasaktan, marahil ay may mga salita akong mas inaasahang lalabas sana sa bibig ni Arex.

Salitang higit sa thank you.

-----------------------------------------------------------

"aba hoy Arex !! sabihin mo nga sa akin kung ano ba talagang nangyayari sa buhay mo ?" bungad sa akin ni Manager Mel ng sagutin ko ang tawag niya. Napahilot naman ako sa sentido ko, mukhang madami dami pa akong dapat asikasuhin bago ko isiwalat sa madla ang tungkol kay Lenie at sa magiging anak ko.

May mga plano na ako para mapasailalim sa pangangalaga ng Zephyr ang mag ina ko kontra sa mga kalaban. Gusto kong masiguro ang kanilang kaligtasan. At ang unang hakbang ay bumitiw ako sa pagmomodelo at pag aartista.

"Bakit out of the blue ang nagsasabi kang gusto mo ng tumigil sa industriya ng pagmomodelo? Ah ?! kung kelan nasa taas ka saka gusto mong lumagapak pababa ?? nababaliw ka na bang bata ka ?!!" ni-hindi man lang niya ako balak pagpaliwanagin sa bilis niyang magsalita.

"saka ko na ipapaliwanag, sa ngayon asikasuhin mo yung pinirmahan kong kontrata at gawan ng paraan para maputol yun" utos ko sa kanya, kahit kasi siya ang Manager ko ay ako ang madalas na nasusunod sa mga plano namin dahil siguro kahit na palagi akong binabato ni Mel ng kung ano-ano dahil puro mga kalokohan ako ay may tiwala siya sa mga mabibigat kong desisyon.

Angel with a ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon