CHAPTER 13
>Lenie’s POV<
Pagkalabas ko ng ospital ay agad akong sinalubong ng gwardiya sa may main door.
“ma’am, nakapag usap po ba kayo ??” bungad nito sa akin, ngumiti muna ako saka iginala ang aking paningin sa paligid ng ospital. Nandun pa rin ang mga armadong tagabantay, matindi rin ang taong may galit kay Arex malaki ang posibilidad na isa sa mga bantay na ito ay saliwat kay Arex at lihim na nagmamatyag para sa kalaban. Kailangan kong masigurado ang kaligtasan ng anak ko.
“nagkamali po ako, hindi po pala kami magkakilala” sagot ko dito.
“po ?? nasa listahan po ang pangalan ninyo diba ??” anito. Umiling ako sabay pilit na ngumiti.
“hindi po ako yung nasa listahan kapangalan ko lang po, pasensya na po sa abala” at tuluyan na akong tumalikod. Alam kong mali itong ginawa ko, maling mali pero ito ang lang ang sa tingin ko’y dapat kong gawin upang mabuhay ng mapayapa ang anak ko. Tumingin muna ako sa paligid, tingin ko ay wala namang magtatangkang pabantayan ako ag kailangan ko lang ngayon ay magpakalayo-layo.
-------------------------------
“itinanggi niya ang bata noh ??” saad ni Ate Majie habang nagpupunas ng lamesita at pasulyap sulya akong tinatapunan ng tingin, “sinasabi ko na nga ba eehh napakawalang kwentang tao talaga niyang si Arex” bulalas nito.
“ate. .”
“iyang mga ganyang tao hindi mo talaga maasahan pagdating sa responsibilidad---”
“ate !! hindi kami nagkita !!” sigaw ko na ikinatahimik naman niya. “hindi kami nagkita !! hindi ako tumuloy sa silid nya, maliwanag ba ?? hindi niya alam ang tungkol sa bata dahil wala na akong balak sabihin sa kanya ito !! maraming galit sa kanya, maraming humahabol sa kanya para patayin at makapaghiganti sa kanya !! hindi ligtas ang anak ko kapag may nakaalam na anak din ito ni Arex !! naiintindihan mo ba ate ??!! maaaring malagay sa panganib ang anak ko kapag nakilala ito ni Arex” napaupo na lang ako sa sofang nasa likod ko at doon tuluyang humagulgol ng iyak.
Ilang segundo lang ng pag iyak ay saka ko naramdaman ang paglapit ni Ate sa akin at ang pagyakap sakin ng mahigpit.
“A-ate. .itatago ko ang anak ni Arex sa kanya” aniko habang umiiyak.
“sshhh. .tama yang ginawa mo Lenie, kaligtasan lang ng bata ang iniisip mo” pag-alo sa akin ni Ate habang hinahaplos ang aking likod. “ito ang pinakamatalinong desisyon na nagawa mo para sa anak mo” dagdag niya. Patuloy lang ako sa pag iyak sa kanyang mga bisig ng may tunog ng sasakyan ang umalingawgaw sa harap ng apartment na aming tinutuluyan.

BINABASA MO ANG
Angel with a Shotgun
De TodoIsang alagad ng diyos at isang mamamatay taong isinumpa na ang mundo. Sa pagkrus ng kanilang mga landas, kaninong buhay ang babaguhin nino..kaninong paniniwala ang mapapalitan..at sa kabila ng kanilang pag kakaiba, isang pagkakamali ang naganap. Is...