1

2.1K 38 3
                                    

CHAPTER 1

>Lenie’s POV<

 

 

 

 

“hindi ka na ba talaga mapipigilan diyan sa pagmamadre mo??” muling tanong sa akin ni Ate Majie habang hawak ang bag ko, bakas sa kanyang mga mata ang kalungkutan. Kami na lang dalawa ang meron ang isa’t isa sa kadahilanan pareho nang pumanaw ang aming mga magulang nung maliit pa kami kaya nung halos dalawang taon akong nanatili sa kumbento para sa unang hakbang ng pagiging madre ko ay mag-isa na lang si Ate na kumilos at naiwan sa tiyahin namin na nagpaaral naman sa kanya. Ayaw ko din naman siyang iwanan ngunit ang pagiging madre talaga ang aking gusto bata pa lang ako.

“Ate. .nahiwalay na ako sa iyo ng ilang taon at mukhang nakayanan mo naman tingnan mo ang sarili mo isa ka nang ganap na guro ngayon at saka magkikita pa naman tayo ehh  kapag isa na talaga akong madre ay maaari mo na akong dalawin sa kumbento unlike nung nagsisimula palang ako” paliwanag ko sa kanya, sabay kuha ng bag ko na hawak niya at ipinasok ito sa tricycle na inarkila namin para maihatid ako sa terminal ng bus. Pupunta kasi ako ngayong Manila para asikasuhin ang ilang naiwang kayamanan ng aming magulang para sa amin ni Ate Majie ko,hindi talaga kami taga-dito sa Bicol nalipat lang kami dito ni Ate ng ampunin kami ni Tiya Nalbe. At pagkatapos kong maayos ang pamana nina mama ay diretso na ako sa kumbento namin sa Laguna upang makaattend ng seminar at maging ganap na akong madre.

“kay dami pa namang binata ang nagkakagusto sa iyo dito” saad ni Ate Majie sabay nagpout pa, napangiti naman ako sa ganung mannerism niya na kapag nanghihinayang. Sa totoo lang ay mas isip bata pa sa akin itong ate ko na ito.

“mas maganda ka kaya sa akin at higit na mas matalino, baka sa iyo pa sila naglalaway hindi sa akin na isang manang type ng babae” aniko at pinisil ang ilong niya na naiiwas naman agad niya.

“asus !! ikaw kaya itong pinaglalawayan ng mga taga-dito, ang puti puti mo kasi hindi gaya ko na morena” anito

“maputi ka naman din ah nagpapainit ka lang kasi palagi” tugon ko naman sa kanya, mas maputi pa nga siya sa akin sadyang hindi lang marunong mag ingat ng balat itong kapatid ko kaya ng nalipat kami dito sa Bicol ay napabayaan niya ito ngunit nananatili pa rin siyang maganda.

“hala ewan ko sa iyo, ayan at magtatanghali na mabuting ikaw ay humayo na para hindi ka masyadong gabihin sa iyong pagdating sa Manila” biglang pag iiba ni Ate Majie ng usapan, bahagya akong napangiti at sa huling pagkakataon ay nginitian ko siya at niyakap.

“Mahal na mahal kita Ate” aniko habang magkayakap kami

“mahal na mahal din kita Lenie, mag iingat ka doon ah” sagot niya. Pagkabitaw namin sa yakap ng isa’t isa ay tuloy na akong pumasok sa loob ng tricycle at hindi na muling lumingon sa likuran dahil alam kong kapag lumingon pa ako at nakitang kumakaway ng pamamaalam ang nag-iisa kong kapatid ay hindi ko mapipigilana ng lumuha at humagulgol ng iyak. Pagkarating ko ng terminal ay agad din naman akong nakasakay ng bus at nakabyahe ng maaga hindi gaya ng mga una kong byahe kung saan ay ilang oras muna akong nakabangko bago makasakay ng bus. Habang ako ay nasa byahe ay magkatext pa rin kami ng ate ko sa 1110i kong cellphone, bilang pampalipas oras dahil sa tagal na din ng byahe.

Angel with a ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon