16

917 32 8
                                        

CHAPTER 16

>Lenie's POV<

 

 

 

 

"Lenie, i-cancel mo yung mga meeting ko bukas from 1 pm onwards" utos sa akin ni Reyvan habang nakatuon ang mga mata nito sa laptop niya, ilang linggo na nang magsimula ako sa trabaho ko sa kanya bilang sekretarya niya. Tumango lang ako kahit hindi niya ito makikita, agad kong sinilip ang schedule ni Reyvan bukas at isa-isang kinuha ang contact ng mga taong makakasalamuha sana niya. Upang ipaalam sa mga ito na kanselado ang meeting nila sa boss ko.

Nang matapos ko ang mga dapat kong gawin ay muli akong bumaling kay Reyvan para ipaalam dito na nagawa ko na ang ipinagagawa niya.

Tumunghay naman siya sa akin ng maramdaman niya ang pagtayo ko sa harap ng office table niya.

"m-may gagawin pa po ba ako ??" tanong ko dito. Umiling ito.

"kaya mo bang umuwi ng mag-isa ?? may gagawin pa kasi ako, pero ikaw ay tapos na pwede ka nang makauwi" anito sabay ibinalik sa laptop ang kanyang tingin.

"maaga pa naman po, kaya ko pong bumyahe ng mag isa" aniko.

"sandali, tatawagan ko yung kilala kong taxi driver dun ka na magpahatid hanggang bahay, mahirap na baka bungangaan na naman ako ng Ate mo" saad nito sabay nag-dial ito sa cellphone at may kinausap habang nakatingin sa akin. Nang masigurado na nitong nasa baba na ang taxi ay saka lang ako pinayagan ni Reyvan na umalis.

Nagpaalam lang ako saka ako tumalikod, mag-aalas otso pa naman ng gabi kaya ko pang umuwi mag isa. Dumaan muna ako sa office table ko na napapaligiran ng glass wall sa labas lang ng opisina ni Reyvan. Kinuha ko ang bag ko at jacket ko, sa totooo lang ay wala naman ako masyadong ginagawa sa trabaho ko marahil ay dahil sinabihan ni Ate Majie si Reyvan na wag ako pahirapan dahil nga sa kalagayan ko na medyo pabor naman sa akin dahil buong buhay ko ay hindi naman ako nakapasok sa mga ganitong uri ng trabaho dahil nakakulong lang ako sa kumbento, nag-aadjust pa ako sa paligid ko.

"hello Ate ??" bungad ko sa kasasagot ko lang na tawag ng kapatid ko.

"gabi na ahhh, nasan na kayo ?? madami bang pinagagawa yang kumag na iyan ?? ibigay mo cellphone mo sa kanya at mumurahin ko yan !!" galit na imik ni Ate sa kabilang linya, bahagya naman akong napatawa sa mga pinagsasabi ng kapatid ko.

"ate pauwi na ako, sasakay ako sa kilalang taxi driver ni Reyvan at ihahatid ako nun hanggang diyan sa bahay"

"bakit ?? si Reyvan hindi pa uuwi ??"

 

"madami pa siyang ginagawa Ate, nakakahiya na kung iistorbohin ko pa" paliwanag ko habang sinusuot ko ang jacket ko, "halos wala na nga akong ginawa dito sa opisina kundi kumain" dagdag ko sabay tumawa ako ng bahagya.

Angel with a ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon