17

840 19 2
                                    



CHAPTER 17

>Lenie's POV<

Marahas akong hinila ni Arex papunta sa sasakyan niya at halos ibalya na lang niya ako papasok sa loob kasabay ang malakas na pagsara ng pinto na di alintana kung may maiipit ba sa parte ng kawatan ko o wala. Agad siyang umikot sa kabila at pumasok sa loob, nakatiim bagang at hindi man lang ako tinapunan ng tingin bago niya mabilis na paharutin ang sasakyan.

"A-Arex. ." mahina kong usal, hilam na hilam na sa luha ang mga mata ko kaya medyo nanlalabo na din ang aking paningin ngunit ramdam na ramdam ko naman kung gano kabilis ang takbo ng sasakyan na halos lumipad kami sa ere. Bumabaliktad ang sikmura ko, ngunit hindi ko yun masabi sa kanya dahil na rin sa sobra kong takot sa kanya ngayon.

Ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang pagtigil namin, dahil okupado ang aking isip ng takot ay napasinghap na ako ng bahagya ng bumukas ang pinto sa tabi ko at nang sinuhin ko ang nagbukas ay walang iba kundi si Arex, bakas na bakas pa rin ang galit sa mukha niya.

"A-Arex. .please" magmamakaawa pa sana ako sa kanya na ibalik na lang niya ako sa Ate Majie ko pero marahas niyang hinablot ang braso ko at walang habas na hilahin palabas ng sasakyan. "A-Arex, parang awa mo na. .i-ibalik mo na ako sa ate ko" imik ko habang kinakaladkad niya ako papasok sa loob ng condominium building, pinagtitinginan na nga kami ng ilang tao ngunit tila wala atang pakielam si Arex dahil tuloy tuloy lang siya sa paghila sa akin.

Nang makapasok kami sa elevator ay agad niya akong isinandal sa pader pagkatapos niyang pindutin ang palapag na bababaan namin. Mariin niya akong hinawakan sa panga ko at itiningala para magtagpo ang aming mga mata. I could feel my body shaking with so much fear.

"umasa ako na ipapaalam mo sa akin ang pagdadalantao mo, Lenie" pabulong ngunit may bakas ng galit na saad ni Arex sa akin, "sinusundan kita !! alam ko lahat ng nangyayari sa iyo, pero hindi ako lumapit kasi umaasa akong ikaw ang kusang lalapit sa akin at sasabihin ang tungkol sa anak ko !! hindi naman ako ganun kahirap hanapin diba ?? tang ina lang Lenie !! tama pala ang iniisip ng kapatid ko na tinataguan mo talaga ako !!" He hissed at me, lalong humigpit ang hawak niya sa aking panga. I gasped. He was so close, I could smell his musk.

Gustong gusto kong sumagot pero hindi ko naman magawa dahil nga hawak hawak niya ang panga ko at tanging pag-iyak na lang ang naging sagot ko sa mga salita niya.

"yung totoo ?? plano mo sigurong ilaglag ang anak ko para matuloy mo yang pagmamadre mo noh ??" aniya kasabay ng pagngiti nito na may pangungutya. Nanlaki naman ang mga mata ko sa paratang ni Arex, kaya pinilit kong maiiling ang aking ulo.

Magsasalita pa sana siya ng tumunog bigla ang elevator, umalis sa harapan ko si Arex sabay hawak sa ulo ko isinandal ang mukha ko sa dibdib niya. Tingin ko ay tinatago niya sa kung sino mang papasok ang nangyayari sa pagitan naming dalawa. "pigilan mo yang iyak mo" bulong sakin ni Arex na may halong pagbabanta, kaya napapikit na lang ako ng madiin at pilit na pinigil ang pag iyak dala na din ng takot ko.

"masama ba pakiramdam ng kasintahan mo, iho ??" boses ng isang matandang babae ang aking narinig. Naramdaman kong huminga pa ng malalim si Arex bago ito sumagot.

"opo" anito kasabay ng pagyakap sa beywang ko ng isa pa nitong braso. Wala na akong narinig na usapan pagkatapos ng sagot ni Arex, pero ramdam na ramdam ko yung bigat ng paghinga ni Arex dahil na rin sa sobrang pagkakalapit ng aming katawan.

Ilang saglit lang ay muling tumunog ang elevator, kasabay nun ang paghakbang ni Arex habang yakap ako kaya naman napahakbang na lang din ako kahit hirap na hirap ako. At saka lang niya ako binitawan nang makapasok na kami sa unit niya. Nagtuloy siya kusina at iniwanan lang ako sa salas, hinabol ko siya ng tingin dahil baka sakaling lingunin niya ako at may sabihin pa siya ngunit mali ako.

Angel with a ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon