14

816 20 2
                                        

CHAPTER 14

>Arex's POV<

"sa mansyon ng mga Jacolbia muna kayo titira ng kapatid mo yun ang utos ni Mr. Jacolbia" paalala sakin ni Reylec habang inaayos ko ang necktie ko, naka three piece suit ako ngayon at aalis na ako sa tahimik na ospital na ito. Halos dalawang buwan din akong nanalagi dito dahil na rin sa malala yung ilang sugat na natamo ko.

"si Marjan na lang ang patirahin niya dun, sa condo ko ako uuwi" sagot ko ng hindi tinatapunan ng tingin si Reylec, bagkus ay inalis ko ulit ang pagkakatali ng necktie ko at inulit ang buhok nito. Naisipan kong tumingin sa full-size mirror sa tabi ng kama. Bakas pa ang ilang sugat sa mukha ko gaya ng hiwa sa kilay ko at sa labi ko, pero all in all. . "paano ba yan Reylec, mas gwapo na ulit ako sa iyo ??" sabay lingon ko kay Reylec at nginitian ito ng pang-aasar.

"buhay yung kamao ko ngayon, gusto mo wasakin ko yang mukha mo ??" imik nito na itinaas pa ng bahagya ang kamao nito. Napailing na lang ako habang natawa ng bahagya, etong taong ito napakaseryoso talaga ayaw naman na nilalamangan siya sa kagwapuhan.

"bilisan mo na nga diyan, marami pa akong gagawing trabaho bagal na bagal kumilos para kang bakla !!" sita ni Reylec. Nginitian ko na naman siya ng pang-asar.

"asus !! makabakla ito ahhh as if I know gusto mo lang na halikan kita" aniko then tumawa ako ng bahagya sabay ibinuka ang magkabila kong braso sa harap niya, "halika dito PAPA Reylec I'll give you what you want !! torrid ba o french kiss ??" pangloloko ko sa kanya, nanlaki na lang ang mga mata ko ng tutukan niya ako ng baril sa mukha.

"isa pang daldal mo pasasabugin ko yang bungo mo" anito sa madiin ang nagbabantang boses.

"whoah !! dude !! maraming babaing magpapakamatay kapag ako suma-impyerno !!" matawa tawa kong imik, itong taong ito ang mahirap talagang biruin. Iimik pa sana si Reylec ng bumukas ang pinto at iluwa si Mor na pagkakita sa itsura namin ni Reylec ay nanlaki agad ang mga mata.

"naglalaro lang kami ng tutukan ng baril, babe" aniko bago pa magreact si Morisette, lumunok lang ito ng bahagya saka saglit na tinapunan ng tingin si Reylec, may bakas ng takut sa tingin nito ngunit may kaunting pagkamangha. Aminado naman ako na magandang lalaki si Reylec pero talagang lamang lang ako sa kanya. Sinenyasan kong lumapit sa akin si Mor na agad namang sumunod. Niyakap niya ako ng mahigpit sabay padampian akong hinalikan sa labi.

"pwede bang ako na lang maghatid sa iyo sa condo mo ??" imik ni Mor habang nakasabit sa batok ko ang mga braso. Sinulyapan ko muna si Reylec na ngayon ay itinago na ang baril na itinutok lang niya sa akin kanina. Nakakunot ang noo nito na tila ba diring diri sa ginagawa naming lambingan ni Mor.

"a-ahmmmm, babe may aasikasuhin pa kasi kami ni Reylec at saka kaya ko nang magdrive remember, I have my first love yuwona !!" mayabang kong imik sa kanya. Bahagyang kinurot ni Mor ang tagiliran ko dahilan para mapasinghap ako.

"kung hindi ko lang alam na isang maclaren yang si yuwona mo, hiwalay na tayo" anito na pagalit ngunit nakangiti. "pero kahit ganun nakakapang selos pa rin kasi palagi mong pinagdidiinan na siya ang first love mo" pahabol nito sabay nagpout ng kaunti.

Ikinulong ko ang mukha niya sa magkabila kong palad at tinitigan siyang matiim, "babe, si yuwona yung pagiging first love lang ang maididiin ko at sa iyo. ." then ngumiti ako ng pilyo at saka saglit na tinapunan ng tingin ng baba niya. Napatawa naman ng kaunti si mor at hinampas ako ng marahan.

"bastos ka talaga Arex !!" anito ngunit tumatawa.

"ohh siya babe, una na kami sa iyo ahhh I'll call you later, okay ?" at saka ko siyang muling hinalikan at patakbong lumabas ng silid, nagmadali na ako kasi napansin ko na ang nagbabantang mga tingin ni Reylec baka mamaya batuhin kami bigla nito ng granada.

Angel with a ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon