CHAPTER 6
>Lenie’s POV<
Lumipas ang maghapon nang nakatulala lang ako sa dalampasigan habang yung kidnapper ko ay halos ginawa na lahat ng pwedeng gawin sa isla, gaya ng paglangoy paghuli ng kung ano-anong hayop sa loob ng gubat at paglilinis ng baril niya. Nagpapasalamat na din ako at hindi niya ako kinausap buong maghapon ngayon dahil sa totoo lang hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko yung labi niya sa labi ko. Ganoon ata talaga kapag first kiss.
Sa ngayon ay papasok na ako sa loob ng bahay para sana magbasa ulet ng bibliya ng makasalubong ko palabas si Arex na may dalang kumot. Medyo nagtaka ako sa aking isip, kung kelan hapon na saka siya maglalaba ng kumot niya ?? At dahil sa naiilang pa rin ako sa kanya ay hindi ko siya nagawang tanungin tungkol sa kumot kaya yumuko na lang ako at nilampasan siya. Ngunit hindi pa ako nakakalayo nang. .
“sumunod ka sa akin pagkagaling mo sa loob, mag-bo-bonfire tayo” anito saka tumawa ng bahagya. Nilingon ko siya ngunit nakatalikod na ito sa akin at naglalakad na palayo.
“paano kung ayaw ko ??” tanong ko na nagpatigil sa kanya sa paglalakad. Ilang saglit siyang hindi umimik sabay nilingon ako at nginitian.
“susunod ka sa ayaw at sa gusto mo” nakangiti siya ng sinabi niya iyan ngunit bakit ang lakas ng pakiramdam ko na may pagbabanta sa bawat katagang binitawan niya. Iniiwasan ko na lang siya ng tingin at muling naglakad papasok ng bahay. Siya nga pala ang kidnapper ko at siya dapat ang nasusunod kundi may masamang mangyayari sa akin.
Naghanap ako ng pajama sa maliit na cabinet sa kwartong tinutuluyan ko, nagsuot ng makapal ng t-shirt at saka lumabas ng bahay. Hindi naman ako nahirapan kung nasaan si Arex dahil medyo madilim na at may nagawa na siyang apoy. Agad akong lumapit sa kanya at umupo sa kabilang side ng apoy kaya bale magkaharap kami ngayon at nasa gitna namin ang bonfire niya.
Nagtama ang aming mga mata ng umupo ako sa buhanginan at ako ang unang umiwas ng tingin. Yung mga kahoy lang dapat ang nag-aapoy pero bakit tila yung mga mata niya ay dinaeg ito.
“bakit diyan ka umupo ??” biglang tanong ni Arex sakin sabay tinapik nito ang tabi nito kung saan ay may space pa sa kumot na inuupuan niya.
Umiling lang ako bilang sagot. Hindi naman ako nakarinig ng anuman pag imik mula kay Arex ng umiling ako kaya naisipan kong tumunghay mula sa pagkakatitig sa apoy at sulyapan si Arex. Napasinghap na lang ako at muling bumalik sa pagkakatitig sa apoy nang sa pagtunghay ko ay seryoso siyang nakatingin sa akin. Ilang segundo lang ay muli akong tumunghay sa pag-aakalang hindi na nakatingin sa akin si Arex, ngunit mali ako. Naiilang ako sa tingin niya, lalo kapag ganyang seryoso ang kanyang mukha.
“b-bakit ka ba nakatingin ??” mautal-utal kong tanong sa kanya na bahagya ko pang tinapangan ang tono. Ngumiti ito sa akin sabay iwas ng tingin at bumaling sa madilim na dagat na nasa kanan niya.

BINABASA MO ANG
Angel with a Shotgun
De TodoIsang alagad ng diyos at isang mamamatay taong isinumpa na ang mundo. Sa pagkrus ng kanilang mga landas, kaninong buhay ang babaguhin nino..kaninong paniniwala ang mapapalitan..at sa kabila ng kanilang pag kakaiba, isang pagkakamali ang naganap. Is...