9

793 22 1
                                    

CHAPTER 9

>Majie’s POV<

 

Sa isang maliit na isla akong dinala ng impormasyong sinabi ng doktorang nagngangalang Marisol, dilim na nang makarating kami doon.

“sigurado ka bang nandito ang kapatid mo ??” tanong sa akin ng katabi ko, nilingon ko siya. Nakakunot ang kanyang noo habang pinagmamasdan ang maliliit na bahay sa aming harapan na tila gasera lang ang nagsisilbing ilaw ng mga ito.

“sigurado ako dahil yung kapatid ko mismo ang nakausap ko sa telepono” sagot ko. Tumango lang siya bilang sagot saka naglakad pauna.

“bilisan mo, iniwanan ko ang anak ko para lang sa pagsama sa iyo dito” anito habang naglalakad. Tingnan mo itong isang to, hindi ko naman sinabing sumama siya ehh ang kailangan ko lang ay sasakyang pandagat hindi kasama tapos ngayon sasabihan akong bilisan ang kilos ko dahil iniwanan niya ang anak niyang si Keyv dahil sa akin ?? ehhh buwang pala siya ehhh batuhin ko kaya ito ng kalabasa sa mukha. .kaya lang sayang ang magandang mukha kapag nagkapasa dahil sa kalabasa, hahaha. May dimple pa naman siya.

“ano ba ??!! tatanga ka pa ba diyan ?? halika na !! puntahan na natin yung kapatid mo !!” sigaw nito ng mapansing nakatigil pa rin ako, bumuga na lang ako ng malalim na hininga saka lumakad na din papunta sa kanya. Hindi ko lubusang maisip na kasa-kasama ko ngayon ang dragon na ito, kahit yung una naming pagkikita ay medyo hindi ganun kaganda. Kung natatandaan ninyo siya yung may batang kasama na ubod ng kyut. Nasa simbahan ako noon at taimtim na nagdadasal ng lumapit sa akin ang anak niya na Keyv pala ang pangalan. (kung hindi ninyo matandaan ay nasa Chapter 7 ang scene na iyon) Ayoko munang ikwento kung paano kami nagkasama ngayon kahit na palagi kaming nag-aaway, dahil hindi aking kwento ito.

“ikaw nang magbukas” utos ni Reyvan nang nasa tapat na kami ng pinto ng medical center, tumango lang ako sa kanya at saka dahan dahang pinihit ang seradura ng pinto upang mabuksan ko na ito ng tuluyan. At sa pagbukas ko palang ng pinto ay mabilis akong napatakbo habang umiiyak papunta kay Lenie na kasalukuyang nakaupo sa kama habang nakasandal ang likod sa headboard ng higaan.

Bakas ang pagkagulat sa kanya ng yakapin ko siya bigla ngunit napaiyak na din sa huli at binalik ang aking yakap ng mas mahigpit pa.

“Ate. .” ani Lenie habang yakap ako at umiiyak.

“ssshhhh. .ok na ang lahat, uuwi na tayo. .ligtas ka na” pagpapalubag loob ko sa kanyang nararamdaman na sa tingin ko ay takot. Takot dahil ilang araw din siyang nawala sa piling ko, takot na naramdaman niya sa taong dumukot sa kanya.

Binayaran lang ni Reyvan ng halos kalahating milyon ang doktora sa lahat ng naging tulong nito sa kapatid ko at kaunting pamamaalam saka kami tuluyang umalis na sa islang iyon. Naging mabilis ang pagbalik namin sa manila dahil na rin sa tulong ng pagiging mayaman niya dahil angdami niyang sasakyan mapadagat man, lupa o himpapawid.

Kahit na pinipilit ni Reyvan na doon muna kami matulog sa bahay niya ay tinanggihan ko ito dahil gusto kong maging komportble si Lenie sa unang araw na muli kaming magkasama. At hindi yun mangyayari kung nasa ibang bahay kami na may kasama pang hindi pa ganun kakilala ni Lenie.

--------------------------

Lumipas ang ilang araw na kasama ko si Lenie, pansin ko ang palagi niyang pag-iyak sa kalagitnaan ng gabi at ang pagsusuka niya tuwing umaga. Hindi ko naman siya matanung tungkol sa kung ano ang nangyari sa kanya sa ilang buwang pagkakawala niya, dahil sa tingin ko ay hindi pa ito ang tamang panahon upang magbalik tanaw siya sa bangungot na naranasan niya. Ang daming nagbago sa kanya, hindi na siya ganoon tumatawa tanging ngiti lang ang kaya niyang ibalik sa akin.

Madalas din siyang tulala pagkatapos ay iiyak na naman, tingin ko ay naging malupet sa kanya ang taong dumukot sa kanya na naging dahilan para magkaganito ang aking kapatid.

Ngunit isang umaga, isang tanong mula sa kanya ang nagpabuhay sa mga katanungan sa isip ko.

“a-ate, may p-pregnancy test ka ba diyan ??” aniya habang nasa loob siya ng cr at nakasilip lang sa pintong kakaunti lang ang uwang habang pulang pula marahil sa kaiiyak ang mga mata.

“b-bakit ??” pabalik kong tanong sa kanya.

“please ate. .bigyan mo muna ko ng pregnancy test bago mo ako batuhin ng tanong” aniya sa mahinahon ngunit basag na boses, tumango na lang ako at dali-daling tumakbo palabas ng bahay at dumiretso sa malapit na botika at naghanap ng pregnancy test at sa awa ng diyos ay meron naman, puno man ng mga tanong ang aking  utak sa nangyayari ngayon gaya ng, ginahasa ba ang kapatid ko ?? sino ang taong gumawa nun sa kanya ?? anong dahilan ng taong iyon at dinukot ang kapatid ko at itago sa kung saan man ng ilang buwan.

“Lenie, eto na ohhh”aniko, bumukas ng kaunti ang pinto at tanging kamay lang ni Lenie ang lumabas kaya naman inilagay ko ang PT sa kamay niya saka kinuha niya ito at muling sinarado ang pinto.

Isang minuto ang lumipas ay muli kong kinatok si Lenie sa banyo dahil tahimik pa rin sa loob.

“L-Lenie ?? pwede ko bang malaman ang resulta ng PT ??” naghintay ako ng sagot niya ngunit wala namang nagsalita sa loob. “Lenie ??”

Magsasalita pa sana ako ng bumukas ang pinto ng banyo at iluwa ang namamaga ang mga mata na si Lenie, “A-Anong resulta ??” tanong ko sa kanya. Ngunit sa halip na sagutin ako ay iniabot niya sa akin ang pregnancy test na may. .dalawang guhit. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakikita, sabay tiningnan ko si Lenie na ngayon ay humahagulgol na sa iyak.

“Lenie. .b-buntis ka”

Angel with a ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon