22

897 28 6
                                        


CHAPTER 22

"kumakalat ngayon sa industriya ng showbiz ang balitang nagpasa daw ng petisyon ang modelo at artistang si Arexon Hechenoven, upang mapawalang bisa ang kontratang kanyang pinirmahan ilang taon lang sa isang kilalang station" wika ng isang baklang host.

"isang nakakagulat na balita nga iyan kumare, dahil alam nating lahat na itong si Arexon ay isang taong may pambihirang ganda ng mukha, talento at kakisigan kaya naman malaki siyang kawalan kung tunay nga ang kumakalat na iyan" sagot sa kanya ng kapartner na babaing host habang may hawak na mga papel.

"gustong gusto ko talaga ang kulay asul niyang mga mata, ang tagal ko ngang inasam na makabungguan ko man lang ang lalaking yan backstage at mahawakan man lang ang abs niya" saad ng bakla na sinabayan ng pagtawa.

"aww sorry ka kumare kasi hanggang ngayon ay wala pang sagot ang kampo ni Arexon Hechenoven kaugnay sa balitang ito at higit sa lahat ay hindi pa muling nagpapakita ang lalaki sa telebisyon kaya ang tanong ng sambayanan. ."

"nasaan ka Arexon ??" magkasabay na imik ng dalawang host na sinundan ng commercial.

Napabuntong hininga na lang ako sa programang kakaere palang, hanggang ngayon ay mainit ang pangalan ko sa balita lalo na sa mga showbiz talk gaya ng palabas na ito. Iilang linggo palang akong nanahimik dito sa bahay namin ni Lenie, hindi na ako tinigilan ng mga text at tawag ng ibang mga researcher at paparazzi na may mga tanong para sa kanilang programa sa ngayon kasi madidikit sila sa mata ng taong bayan kapag nakatanggap sila ng sagot mula sa akin kaya naman pinatay ko na ang cellphone ko para mas lalong manahimik.

Nang mainip ako sa paulit ulit na commercial ng mukha ko ay tumayo na lang ako sa pulang solo sofa na inuupuan ko at lumabas ng entertainment room para pumunta naman sa gym ko na nasa ikatlong palapag ng bahay, kailangang mapanatili ko ang ganda ng katawan ko para di magsawa sa akin si Lenie.

At hindi pa ako nakakapasok ng gym nang "Arex ?!?" rinig kong sigaw ni Lenie sa ikalawang palapag ng bahay kung saan nandun ang mga kwarto. Agad naman akong bumaba papunta sa silid namin para matunghayan ang isang kakagising lang na Lenie. Gulong gulo pa ang buhok nito suot ang puti kong v-neck shirt na tama lang ang hapit sa kanya sa kabila ng pagiging buntis niya at pajamang kulay pink.

Nagkukusot pa ito ng mga mata habang nakatayo sa tabi ng kama namin.

Napangiti naman ako at inilang hakbang ang pagitan namin para mahapit ko siya sa beywang.

"goodmorning sweetheart" aniko matapos kong dampian ng halik ang kanyang noo habang yakap ko siya sa beywang. "gutom ka na ba ?? magluluto ako" dagdag ko.

Tumunghay naman sa akin si Lenie, sabay ngiti "dapat ako ang nagluluto ng pagkain natin ihh" aniya.

"saka na lang kapag nakapanganak ka na, okay ? ayaw kong kumikilos ka masyado, gusto ko pinagsisilbihan kita" sagot ko naman, hindi ko alam pero gustong gusto kong ingatan si Lenie sa mga panahong ito. She looks so fragile na kahit sa konting kibot ay maaari agad masaktan, at iyon ang ayaw kong mangyari.

Inabot ng magkabilang palad ni Lenie ang mukha ko, eto na naman siya paniguradong lalamutakin na naman ng mga kamay na iyan ang buo kong mukha.

"ang gwapo gwapo talaga ng asawa ko" anito at kasabay ng paglamukos sa buo kong mukha, medyo masakit pero okay lang kasi ang sarap sa pakiramdam na ganito kabaliw sa iyo ang babaing mahal mo. Tingin ko nga talaga ako ang pinaglilihinan ng asawa ko at mas mabuti iyon.

Muli ko lang siyang hinalikan sa noo ng mapagod na siya sa paglamukos ng mukha ko at saka siya niyaya pababa para makapunta ng kusina at makapag umagahan na.

Angel with a ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon