CHAPTER 5
>Lenie’s POV<
Naabutan ko pang naglilinis ng mga baril ang aking kidnapper ng lumabas ako sa aking silid para sana sabihin sa kanya ang isang problema ko habang nananalagi ako dito.
“h-hoy. .” utal kong tawag sa pansin niya, agad naman niya akong tinunghay habang hawak niya ang isang itim na baril. Saglit muna akong napatingin sa baril niya bago ko siya muling imikan.
“w-wala akong damit at undies” mahina kong imik ng hindi makaderetso ng tingin sa kanya.
“edi wag kang maligo o di kaya’y gumala ka diyan ng nakatapis lang habang pinapatuyo mo yung damit at undies mo na suot mo ngayon” aniya sabay silay ng isang mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi, “ mas pabor sa akin yung pandalawa”
“s-seryoso ko, gaano katagal mo ba akong balak ikulong dito. .hindi mo ba alam na may mga pangangailangan akong personal na bagay bilang babae ??” aniko na medyo paiyak na naman sa sobrang inis ko sa ugali niya. Napakamanyak kasi eehhh.
“gaya ng ???” aniya habang nakangiti, sabay ibinaba niya sa lamesita ang baril na nililinis niya kanina.
“alam mo na yun !!” muktol ko sa kanya.
“hindi ako babae remember, gaya ng ano ??” alam kong alam niya yung ibigkong sabihin dahil kahit hindi siya babae ehh kung mulat na siya sa sex at sa galing niyang kumag siya ay hindi pa siya nakakadisgrasya edi malamang alam niya yung safety days ng isang babae kaya malamang ay alam din niya ang tungkol sa monthly period ng mga babaeng kagaya ko.
Dahil sa inis ko sa kanya ay tinalikuran ko na lang siya, bahala na nga. Baka naman may mga nakatagong napkin doon sa kwartong tinutulugan ko, sana nga ay meron. Akmang papasok na ako sa silid ko ng magsalita muli ang napakamanyak kong kidnapper.
“kwarto ng kapatid ko yang silid na tinutulugan mo, gamitin mo yung mga bagay na sa tingin mo ay kailangan mo bilang babae” rinig kong saad niya kaya nilingon ko siya. May kapatid siya ?? kung ganoon kapatid niya yung babae sa larawan ?? pero bakit hindi sila magkamukha ?? pilipinang pilipina yung babae samantalang siya ay halatang may dugong dayuhan sa pagiging asul palang ng kanyang mga mata.
“y-yung babae sa picture------”
“siya ang kapatid ko, sa papel. .Marjan ang kanyang pangalan” putol niya sa sasabihin ko, muli siyang umupo sa sofa at inilagay ang magkabilang braso sa sandalan nito. “ikaw may kapatid ka din ba ???” balik niyang tanong sa akin.
Tumango ako bilang pagsagot sa tanong niya, “mas matanda nga lang siya sa akin”.

BINABASA MO ANG
Angel with a Shotgun
RandomIsang alagad ng diyos at isang mamamatay taong isinumpa na ang mundo. Sa pagkrus ng kanilang mga landas, kaninong buhay ang babaguhin nino..kaninong paniniwala ang mapapalitan..at sa kabila ng kanilang pag kakaiba, isang pagkakamali ang naganap. Is...