24

622 20 6
                                        

CHAPTER 24

Nagising ako dahil sa isang mabigat na kamay na dumapo sa pisngi ko.

“finally, nagising din ang prinsesang bundat” bulalas ng isang babaing boses sa sarkastikong tono. Agad kong iminulat ang pareho kong mga mata para lang malamang nasa isang madilim akong silid na ang tanging nagbibigay liwanag ay isang bumbilya. Nakahiga ako sa malamig na sahig.

“n-nasaan ako?” tanong ko sa babae habang iniuupo ang sariling katawan na nanghihina sa hindi ko

“sa lugar kung saan nababagay ka, slut!!” sagot nito, nasa likod niya ang kakaunting liwanag ng bumbilya kaya hindi ko maaninag kung sino ang babaing ito dagdagan pa na medyo malabo pa ang aking paningin.
Hinawakan niya ako sa buhok at pilit pinatatayo, sobrang sakit sa ulo ng ginagawa niya kaya naman kahit nanghihina pa ang aking mga tuhod at paa ay pinilit kong makatayo.

“hindi mo pa rin ba ko nakikilala?? Halika, dito tayo sa liwanag para malaman mo kung sino ang taong tatapos sa buhay mo at sa bastardong batang nagtatago diyan sa tiyan mo!!” anito sa galit na galit na tono saka ako sapilitang kinaladkad palapit sa liwanag habang nakahawak pa rin sa buhok ko.

Pagbagsak niyang binitawan ang buhok ko ng makarating kami sa mismong tapat ng liwanag.

“M-Mor??” gulat kong saad ng makita ko na ang kabuuan niyang mukha.

“Sino pa ba ??” aniya sabay tingin sa mga kuko niya, “putik ka talaga noh ? see ! saglit lang kitang hinawakan nagdumi agad ang magaganda kong kuko”

“b-bakit ?? bakit mo to ginagawa?”

Mula sa mga kuko niya ay nilipat niya ang kanyang mga mata sa akin, “ay grabe !! sobrang tanga mo pala talaga noh? Inagaw mo sa akin ang fiance ko tapos ngayon tatanungin mo ako kung bakit??” sagot nito sa akin saka ako muling nila nilapitan at sinampal ng malakas sa mukha. Sa sobrang lakas ng sampal niya ay napasalampak ako sa malamig na sahig.

Napaluha na ako sa takot, saka marahang niyakap ang kaumbukan sa tiyan ko na para bang kapag ginawa ko yun ay mapoprotektahan ko ang anak ko mula sa baliw na babaing nasa harapan ko ngayon.

“ang weak mo naman” wika ni Mor na hindi ko pa rin nililingon, “sa ganyang arte mo palang hindi ka na nararapat kay Arex, alam nating pareho na hindi bastang modelo ang trabaho lang ni Arex kaya ang kailangan niyang asawa ay iyong malakas, matapang na kagaya ko at hindi ang mahina at talunang kagaya mo” saka niya ako sinipa sa likod. Napaigik ako sa sakit pero mas nangibabaw sa akin ang maprotektahan ang anak ko kaya mas hinigpitan ko ang yakap sa tiyan ko.

“napakahina mo!! Iyakin ka !! masyado kang palaasa !!” dagdag niya na may diin sa boses habang patuloy akong sinisipa sa likod.

“Mor !! tama na yan !!” isang boses ng lalaki ang nagpatigil kay Mor, at kahit hindi ko siya lingunin ay tandang tanda ko at malinaw na malinaw sa teynga ko ang boses na iyon.

Si Reylec.

“tsk, bwiset !!” ani Mor, muli sana niya akong sisipain ng mabilis na nakarating sa tabi niya si Reylec at marahas siyang hilahin sa braso para ilayo sa akin.

“i said, enough !!” may diin niyang saad kay Mor saka ito patapong binitawan sa direksyon ng pinto, muntik pa itong mawalan ng balanse. Wala namang nagawa ang babae kundi tapunan na lang ako ng masamang tingin at mabibigat ang paang tinungo ang daan palabas.

Nakaluhod pa ako sa sahig, halos pagapang kong nilapitan si Reylec at hinawakan siya sa dulo ng kanyang itim na coat. Hindi niya ako tinatapunan ng tingin pero alam kong aware siya sa akin.

“R-Reylec, p-please..iuwi mo na ako, m-maawa ka sa akin o kahit sa anak ko na lang, anak ni Arex” pagmamakaawa ko sa kanya, isang beses ko palang nakakasalamuha si Reylec pero madalas ko siyang naririnig kay Arex at base sa mga kwento niya si Reylec ang pinakamalapit sa kanya dahil nagsilbi na itong kuya niya nasa bahay ampunan palang sila.

“hindi kita mailalabas dito Lenie, malalim ang pinagsamahan namin ng ama ng batang dinadala mo ngunit mas nangingibabaw sa akin ngayon ang pamilya” anito saka ako tuluyang iniwan sa malamig at madilim na silid na iyon.

Wala akong ibang nagawa kundi ang humagulgol ng iyak at hawakan ang aking tiyan.

“baby Exon, k-kapit ka lang kay m-mommy ahh” saad ko na humihikbi at hinihimas ang aking tiyan, “h-hindi tayo pababayaan ng Daddy mo, naniniwala akong ililigtas niya tayo”

—-------------------------

“si Reylec ang traydor” pang tatlong beses nang sinabi iyan ni Mr. Jacolbia iyan na tila gusto niyang itatak sa utak niya pero ayaw nitong tanggapin.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-aaral kung sino talaga ang kalaban ng makarinig kami ng pagsabog, mabilis kaming naging alerto at tumakbo palabas ng silid. Unang kong naisip ay si Lenie kaya naman sinubukan ko agad siyang tawagan habang tumatakbo kami papunta sa labas kung saan may pagsabog.

Pinasabog ang limang grandia ni Mr. Jacolbia sa parking lot, maging ang maclaren ko ay nadamay dahil nasusunog na din ito ng abutan ko. Nagsimula na akong kabahan ng hindi ko makontak si Lenie, nagriring lang ang cellphone niya pero walang sumasagot.

Muli akong bumalik sa loob ng ospital para hanapin si Lenie na alam ko ay kasama ni Reylec, tiwala akong hindi   niya pababayaan ang asawa ko. Ngunit hindi pa ako nakakalayo ay siya namang pagring ng cellphone ko.

Napasalamat pa ako sa diyos ng makitang si Reylec ang tumatawag.

“thank god Rey----”

“hawak namin ang asawa mo, at handa kaming patayin siya isang maling kilos mo” boses ni Reylec ang narinig ko.

“a-anong ibigmong sabihin Reylec, h-hindi kita maiintindihan” matawa tawa kong imik pero bakas na ang takot, hindi magandang biro itong ginagawa niya.

“matalino ka Arex, alam kong nagsususpetsa na kayo na may traydor sa zephyr” sagot nito.

“Rey..lec” may pagbabanta na sa boses ko, damn !! “pinagkatiwalaan kita Reylec !! kapatid na ang turing ko sa iyo !!” galit na sigaw ko.

“kung ikaw ang nasa katayuan ko, ganito din ang gagawin mo dahil pareho tayong may pagpapahalaga sa pamilya alam kong alam mo yan, Arex”

“pero kami ang pamilya mo Reylec, bakit ka lumipat sa kalaban??!!” sigaw ko sa kanya, hindi matanggap ng utak ko na si Reylec itong kausap ko.

“akala ko din” sabay pinatay nito ang linya. Napamura ako ng malutong saka ko itinapon ang cellphone ko sa pader. At sa tagpong iyon ako naabutan ni Deliv na sa halip na tanungin ako kung anong nangyayare ay mas inalala pa nito ang cellphone at ang pader. 

“so what are we going to do now? If you dont know guys we are wasting our time here while-----”

“just shut up Deliv, you are not helping !!” putol ni Marjan kay Deliv na halata sa mukha ang pag-aalala, madalas isip bata ang lalaking ito at aminado ako madalas naiinis ako sa kanya pero sa pinapakita niya ngayong pagaalala di ko maiwasang magpasalamat.

“maupo ka muna Deliv, at pagplanuhan nating mabuti ito sapagkat hawak na din nila pati ang anak ko” mahinahong saad ni Mr. Jacolbia.

“seriously, Im craving..craving to kill people with my bare hands” ani Deliv sabay upo sa tabi ni Mr. Jacolbia. Saglit kong tinapunan ng tingin si Deliv na nasa akin din pala ang mga mata na para bang may pinahihiwatig.

Hindi ko talaga lubusang maisip na ang taong pinakamalapit sa akin, ang ahas sa grupo at gagawa nito sakin. Napapikit ako ng mariin.

Nasa rules ng zephyr na ang traydor ay traydor, at kahit sino pa man ito oras na ilagay nito sa panganib ang kahit na sino na mahalaga sa bawat miyembro ay dapat---

"ako ang papatay kay Reylec" buo ang loob kong imik.



Patawarin po ninyo ako sa sobrang bagal ko mag update, bilang kabayaran bibilisan ko na po ang pag-update sa istoryang ito. Sa loob ng isang linggo ay sinisigurado kong tatlong chapter ang mababasa ninyo. Salamat sa mga tumanggap pa rin sa akin matapos ang halos tatlong buwang pananahimik.

- A.K

Angel with a ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon