CHAPTER 18
>Lenie's POV<
Napabalikwas ako ng tayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama ng marinig kong bumukas ang pinto. Si Arex, sandali lang niya akong tinapunan ng tingin at saka tuloy tuloy naglakad papunta sa cr. Hindi ko alam kung lalabas ba ako ng kwarto o hihintayin kong lumabas ng cr si Arex na mukhang naliligo pa dahil naririnig ko ang lagaslas ng tubig mula sa shower.
Dahil naisip kong lalabas ng nakatwalya lang si Arex sa banyo ay napagpasyahan kong lumabas ng silid, hindi ko alam kung anung magiging reaksyon ko kapag nakita ko siya sa ganung itsura. Lalo ngayon na hindi maganda ang trato sakin ni Arex.
Sa kusina ako nagtuloy, kumuha ako ng malamig na tubig sa ref at saka ito tuloy tuloy na ininom na akala mo'y galing ako sa disyerto. Medyo nagugutom na din ako dahil nga hindi ako nakapaghapunan pagkauwe ko ng bahay, pero dahil nga natatakot ako sa awra ni Arex ay hindi ako makapagsabi na nagugutom ako.
Ilalapag ko na sana sa lababo ang ginamit kong baso ng marinig ko ang malakas na tawag ni Arex sa pangalan ko na may halong pagkagalit kaya naman nabitawan ko ang baso sa pagkagitla.
"Lenie !!" tawag niya muli sa akin na ngayon ay nasa pinto na ng kusina. Akmang pupulutin ko ang nabasag na baso ng marahas niyang hawakan ang palapulsuhan ko pilit akong patayuin mula sa pagkakayuko ko. "tanga ka ba ?!! bakit mo yan hahawakan ?? eehh kung nasugatan ka ahh !!" galit na sigaw nito sa akin at saka ako hinila palabas ng kusina, lumapit muna siya sa intercom at saka humingi ng maglilinis sa nabasag na baso saka niya ako muling hinila papasok ng kwarto.
"maglinis ka na ng katawan mo" malamig nitong utos sa akin. Doon ko lang napansin na hindi naman siya nakatwalya lang gaya ng iniisip ko, nakasando siyang gray at puting pajama. Magsasalita pa sana ako na wala naman akong damit na dala dahil nga bigla lang yung pagkuha niya sa akin at naiwan ko yung mga damit ko nang. .
"may mga damit ka na sa walk in closet ko, pumili ka na lang dun" anito, tatalikod na sana ito ngunit tumigil sa pagkilos ng mapansing hindi ako kumikilos sa kinatatayuan ko. "ano ?? matuyuan ka ng pawis !! gusto mo ako pa magpaligo sa iyo ??!!" bakas ang pagkainis sa tono ng boses nito. Saka lang pumasok sa isip ko yung huling mga salitang binitiwan niya kaya bahagya pa akong namula at saka patakbong pumunta sa walk in closet. Ayokong lumabas ng nakatapis lang.
Pink na pajama na may makapal na tela at malaking t-shirt na puti ang napili ko, dumiretso naman ako sa lalagyan ng mga undies para kumuha ng aking susuotin. Pagkalabas ko ng walk in closet ko ay naabutan ko pa si Arex na nagbabasa habang nakaupo sa kama at nakasandal ang likod sa headboard ng kama. Hindi naman niya ako nilingon kaya nagtuloy tuloy lang ako sa banyo, sinigurado ko munang naka-lock ang pinto bago ako nagsimulang maglinis ng katawan.
Mahimbing nang natutulog si Arex ng makalabas ako ng banyo, nakadapa siya habang ang ibabang bahagi ng katawan niya ay natatakluban ng comforter ang isa kaliwa niyang kamay ay napailalim sa kanyang mukha na nakaharap sa kanan kung saan ay nandun ang sidetable ng kama. Malaki ang espasyo sa kaliwa ni Arex, gusto kong isipin na sinadya niya yun para sa akin ngunit ayaw kong mag assume. Kumuha ako ng unan sa tabi niya at saka pumunta sa di kalakihang couch na tingin ko ay tama lang sa akin.
Nang makahiga ako ay taimtim muna akong nagdasal, ipinagpapasalamat ang isang araw kong buhay at ipinagsasadiyos ang mangyayari sa akin sa mga susunod pang araw.
------------------------------
Nagising ako dahil sa isang mainit na brasong nakayakap sa aking beywang. Napakunot ako ng noo ng mapansin kong nasa kama na ako kahit na ang natatandaan ko ay sa couch ako humiga kagabi. Alam ko na kung kaninong braso ang nakayakap sa akin ngayun ngunit nanigurado na din ako kaya maingat akong lumingon sa likod ko para sinuhin ang taong nagmamay-ari ng braso.

BINABASA MO ANG
Angel with a Shotgun
De TodoIsang alagad ng diyos at isang mamamatay taong isinumpa na ang mundo. Sa pagkrus ng kanilang mga landas, kaninong buhay ang babaguhin nino..kaninong paniniwala ang mapapalitan..at sa kabila ng kanilang pag kakaiba, isang pagkakamali ang naganap. Is...