27

676 18 4
                                    


Chapter 27

"hindi ka nabaril ??" parang tanga kong tanong kay Lenie sa kabila ng pamimilipit nito sa sakit.

"geez, isn't it obvious ?? there's no blood but a water--wait water !?!" ani Deliv na nataranta na din.

"Aaahhh!!!"

Mabilis kong binuhat si Lenie at dinala sa pinakamalapit na chopper.

"dalhin natin sya sa ospital !!" sigaw ko sa piloto.

"hindi ko na kaya Arex !!" sigaw ni Lenie.

Damn.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, iniikot ko ang aking mga mata sa paligid.

"Deliv !!" tawag ko sa lalaking kararating lang sa pwesto ko at hinihingal pa.

Tinaas naman niya ang isa niyang kilay at tumingin sa akin.

"you're a fuckin doctor, right?! Do something !! Manganganak na siya at nahihirapan na sya !!" saad ko habang hila hila sa kwelyo si Deliv.

"wait !!" at marahas na tinanggal ni Deliv ang kamay ko sa kwelyo niya, "Yeah !! Im a doctor, but for animals for pete's sake. I dont have any idea what am I going to do with her!!" taranta na ding imik nito.

"Aaaarrrrrrrreeeeeeeexxxxxx !!"

"you're the husband, do something !!" at agad akong hinila ni Deliv kay Lenie.

Pinahiga naman niya si Lenie sa aking hita, at agad na kumuha ng malaking tela sa loob ng chopper at itinakip sa bandang hita ni Lenie.

"Deliv, im counting on you"

"this is not really my field" bulong pa niya.

Agad kong hinawakan ang kanang kamay ni Lenie at hinawi ang iilang hibla ng buhok na nakaharang sa kanyang mukha.

"andito ako Lenie"

"Oh my god !! I can see the head, just push Lenie, push !!" bulalas ni Deliv.

"aarrggghhhhh"

"please baby Exon, wag mo pahirapan si mommy" bulong ko kasabay ng paghigpit ng hawak sa akin ni Lenie na halos mabalian na ako ng buto sa kamay.

At ilang segundo lang, isang iyak ang tuluyang lumukob sa paligid namin.

Isang iyak na tuluyang bumuo sa pagkatao ko.

Hinubad agad ni Deliv ang kanyang itim na leather jacket at ibinalot sa munting anghel namin ni Lenie.

"naririnig mo ba ang iyak niya Lenie??" sinulyapan ko ang asawa kong nakapikit na ngayon ngunit hindi nakatakas sa aking mga mata ang pagngiti niya, kaya naman yumuko ako at saglit ko siyang hinalikan sa labi.

"my nanny is right, all babies are looks like a potato when it just came out" ani Deliv.

Balak ko pa sanang batuhin si Deliv ng kung anong bagay na malapit sa akin ng may mapansin ito.

"h-hey !! you're wife---she's still bleeding"

Agad kong nilingon ang asawa ko pati ang mga hita nito na patuloy na inaagusan ng dugo.

"A-Anong nangyayari ??!!! Deliv, Anong nangyayari ?!!!"

"I don't know !!!"

"Mauubusan sya ng dugo !!!" Nilingon ko ang pilotong nakaantabay lang sa amin, medyo nagulat pa sya ng tingnan ko siya ng masama.

"Anong tinitingin tingin mo pa dyan ?!? paliparin mo na ang putanginang chopper na ito at dalhin natin sya sa ospital !!!!" sigaw ko sa piloto na mabilis naman nitong sinunod.

Sinara agad ni Deliv ang pintuan at mahigpit na niyakap si baby exon.

"please, Lenie wag mo akong iwan" aniko hawak pa rin ang kamay ng asawa ko.

Lalo akong kinabahan ng maramdaman ko ang unti-unting pagluwag ng kamay ni Lenie.

"Lenie !! Lenie !!" aniko, napatingin ako kay Deliv na nakatingin sa akin at bakas sa mga mata ang awa.

Biglang umiyak si baby Exon sa mga bisig niya kaya pinilit niya itong patahanin.

Muli kong hinigpitan ang pagkakahawak ko kay Lenie.

"Lenie !! Naririnig mo ba ang anak natin ?? Ayaw ka din niyang mawala !! please..wag kang bibitaw"

Pagkalapag na pagkalapag ng chopper sa lupa ay agad kong binuhat si Lenie at malalaki ang hakbang na tumakbo papunta sa loob ng ospital.

Mabilis na sinalubong ako ng staff doon at dinala si Lenie sa Emergency Room.

"Kakaanak palang niya, ayaw tumigil ng pagdurugo niya" taranta kong paliwanag sa isang nurse habang dinadala nila ang asawa ko.

Tumango tango naman ang nurse na para bang naiintindihan ako.

"Hanggang dito na lang po kayo, Sir" harang sa akin ng Nurse ng makarating kami sa Emergency Room.

"Damn !!" tangi kong nasabi sabay umupo sa bench sa may lobby.

Mariin kong sinabunutan ang aking sarili habang nakaupo.

"Dude??"

Tiningala ko agad si Deliv na nakatayo na sa tabi ko. Agad kong hinanap ang anak ko sa bisig niya.

"Nasan ang anak ko ?!"

"I gave him to the nurses, they're checking him. The newly born babies are need screening bout its health" paliwanag nito.

Napatango na lang ako.

"Everythings gonna be alright" anito sabay tapik sa balikat ko, "I'll leave you here, Dude. Gonna check out your son up there"

"please, ikaw muna bahala sa anak ko" sagot ko, tumango naman ito at tuluyan na akong iniwan.

Nang makalayo na si Deliv ay ikinulong ko sa aking mga palad ang aking mukha sabay yumuko ng bahagya.

Isang bagay ang pumasok sa isip ko, isang bagay na matagal ko ng di ginagawa at kinalimutan. Ngunit iyon lang ang tanging magagawa ko ngayon.

Ang magdasal.

Tumingala ako sabay patak ng ilang luha ko sa aking mga mata at muling yumuko.

'Panginoon, alam kong wala akong karapatang humingi ng tulong sa inyo dahil bata palang ako ay kinalimutan ko na kayo pero parang awa nyo na, wag nyo kunin sa akin ang asawa ko. Siya  ang dahilan kung bakit ako nagbago, siya ang dahilan kung bakit sumaya ulit ako. Siya ang nagturo sa akin ng pagmamahal at kung gaano kaimportante ang buhay. Marami pa akong plano hindi lang para sa aming dalawa kundi para sa pamilyang bubuuin namin, at hindi ko alam kung anong gagawin ko ulit sa buhay ko kapag nawala siya. Maawa ka na, Panginoon'.

Isang pagkabukas ng pinto ang nagpabalik sa akin sa reyalidad.

Isang may edad na babaeng doktor ang lumabas sa E.R at inalis ang medical mask sa mukha.

"Ikaw ba ang kamag anak ng pasyente ??" tanong nito ng sinalubong ko agad ito.

"asawa po, kamusta sya ??"

Napailing ito.

--------------------------------------------

Nasabi ko bang Epilogue na ang kasunod ?? Okay, ngayon sinasabi ko,Epilogue na po sunod nito.

-A.K

Angel with a ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon