The unimaginable happened.
I cleared my confusion with you knowing full well what kind of risk I'm taking myself into. Sobrang nakakakaba. Hinanda ko yung sarili ko sa posibilidad na matapos yung friendship, maging awkward tayo, mawala ka. Naghahanda ako para sa sakit -- hindi dahil mataas ang chance na hindi tayo parehas ng nararamdaman kundi dahil sa baka hindi na tayo maging katulad ng dati.
Pero, naibigay mo yung gusto ko sanang ending.
Totoo na nagkamali ako, na lahat ng ginagawa mo, ginagawa mo lang dahil magkaibigan tayo. Sadyang malapit lang sa isa't isa. Sabi mo, tanggalin ko yung feelings kasi mahirap kang mahalin. Sabi mo, hindi naman lahat ng soulmates nagkakatuluyan. Sabi mo, hindi natin deserve na maging "tayo" dahil lang naging sobrang komportable lang tayo sa isa't isa, na dahil lang close tayo, tayo na. Sabi mo, ayaw mo nang ulitin yung pagkakamali ng nakaraan.
Medyo may konting hapdi nung sinabi mo nung una na tanggalin ko ung feelings. Kasi doon ko na-confirm na tama ako sa simula, ako lang talaga. Sabi ko naman sayo, medyo reckless ka sa actions mo. Gusto kita, tapos ganyan ka pa umarte saken. Sabi ko wag mo na'ko iuupdate kung nasan ka, anong ginagawa mo, anong gagawin mo soon. Sabi ko hindi ako magiging awkward kung di ka magiging awkward, kokopyahin ko lang yung actions mo.
Ang ideal ending ko mapagtawanan 'to with you. At nagawa natin. Yung pinakatakot ko na hindi na tayo pwede maging magkaibigan, na mawawala ka, na magiging awkward -- hindi nangyari. Sabi mo, maiintindihan mo kung mag-gghosting ako; maiintindihan mo kung hindi na'ko magrreply sa lahat ng messages mo; maiintindihan mo kung nahihirapan ako. Sabi mo, isipin ko yung sarili ko. Kung hindi ko talaga kaya, mag-aadjust ka, ile-lessen mo yung messages, yung pangungulit.
Sabi ko sumulat pako ng letter para sa'yo, para sa araw na ang kinagwapo mo at nambasted ka. Sabi mo di ka nambasted. Pero kasi nakakatawa lang talaga yung term, kelangan ko siya masabi para matawa ako at ma-accept ko yung sitwasyon. Yung buong pag-uusap natin papasa na sa script ng Star Cinema. Sabi mo, ang labo labo ko; na ang pangit pangit mo pero pakiramdam mo ngayon ang gwapo gwapo mo. Tawang-tawa ako.
Sabi mo pa para tayong eight years tas nagbreak. Sabi ko andaming tao sa paligid ko na nagsasabi na di pwedeng katulad pa rin tayo ng dati, na di naniniwala na pwede pa rin tayo maging magkaibigan kahit sa ganitong sitwasyon, na pakiramdam nila ako ang pinakamahihirapan sa ganitong set-up. Tinanong kita kung ano bang mas okay, dumistansya ako o maging magkaibigan pa rin tayo. Sabi mo babatukan mo'ko kasi malamang ang gusto mo magkaibigan. Pabiro mong sinabi na unfair sayo kung hindi magkaibigan pero kung san ako magiging okay, doon ka. Sabi ko di ba nga si Toni Gonzga at Luis Manzano magkaibigan pa rin kahit nabasted ni Toni si Luis. Sabi ko, ikaw si Toni, ako si Luis. Nakakatawa.
Sabi mo, malinis ang breakup natin, di ka nag-cheat. Loko ka talaga. Kaya kita paborito. Tawang tawa lang talaga ako sa'yo. Sa lahat ng nabasted at binasted, tayo lang ata ang kayang tumawa nang ganito. At pakiramdam ko, you really cared for me as a friend. Hanggang sa dulo, inaalalayan mo'ko. Salamat.
***
PUBLISHED DATE: August 4, 2018
POSTED IN: Mga Bagay na Mas Mahalaga Kesa sa Baked Salmon, Tinatangi
TAGGED UNDER: assume no more, clarity is all we need, ganito pala feeling ng mabasted, mabait naman yung nambasted saken, to my future apo ito ang istorya ng pagkabasted ng lola niyo
BINABASA MO ANG
Tinatang(g)i
RomancePara sa mga alaala na masakit na gusto mong kalimutan at mga alaalang binabalik-balikan. Almost three years ago, nagpasya na ako magmove-on from a love that I later on confirmed to be a one-way street. Pero before ako fully maglet-go, ibinuhos ko la...