After ng feeling-ko-ang-snobbish-mo Moment

10 0 0
                                        

Forgiven ka na. Minsan, 'di mo lang talaga ako nasasagot sa time na gusto ko magkwento. Pero pwede na, lagi mo namang natatandaan yung huling sinabi ko. Minsan, sinasali mo na yun sa susunod nating pag-uusap. So maybe, naalala mo naman. This morning, nabanggit mo na yung kinukwento ko kahapon.

Parang ganito dati, nagkukwento ako sa barkada Viber pero 'di ka nagsasalita nun; hindi ko din alam kung nagbabasa ka. Nasa Vigan ako that time, may nakita akong artista na gwapo kaya kinukwento ko sa group chat. Yung mga walang kwentang bagay sa mundo pero napapansin ko ang lagi kong kinukwento. Few months after that convo happened, nabanggit mo yung topic na yun sa isang random conversation natin. Medyo matalas memory mo. Pero natutuwa ako nun kasi naalala mo yung kwento ko.

Lagi kitang napapatawad after ng feeling-ko-ang-snobbish-mo-wala-kang-pakelam-sa-nararamdaman-ko-di-ka-nagrerespond-sa-kwento-ko moment kapag mga ganito'n g nabanggit mo na yung mga sinabi ko; kapag mga ganito'ng napag-usapan na natin. Okay na'ko ulit.


***

PUBLISHED DATE: May 2, 2018

POSTED IN: Tagu-Taguan Ng Feelings

TAGGED UNDER: forgive ko na you, okay na me

Tinatang(g)iMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon