Na-overcome ko na ang inis ko sa'yo nung nakaraan at inisip ko na lang na patawarin ka. Hindi ka nga aware sa fault mo, so ako lang mahihirapan if mag-hold on ako sa grudge.
Nung Friday, kelangan ko umarte ng normal kahit ayaw sana kitang kausap dahil sa inis ko sa'yo day prior. Tancha ko, kung medyo naiintindihan mo na ang pagkatao ko, alam mong may konti akong tampo. Hindi ko sigurado kung aware ka — mas piniprefer ko isipin na hindi — pero maraming beses ka nagparamdam ng presensya mo na napapaisip ako na baka aware ka naman. Pag parang sinusuyo na kasi, mabilis ako lumambot.
May lakad kayo ng boys barkada nung Friday night kaya maaga kayong umalis ng office. Wala pang ilang minuto, bumabalik ka dahil naiwan mo wallet mo. Lagi kang ganyan, may naiiwan na mahalagang tao bagay. After a few minutes ng pag-alis niyo, tinatawagan mo'ko. Sabi mo, naiwan mo ang relo mo. In short, ako ginawa mong tagapangalaga ng gamit mo. May slight inis pa sana ako pero parang pa-subside na nung time na'to.
Kinabukasan, sumama ako papunta sa Pangasinan para sa pag-ocular ng tita ko sa magiging school ng baby cousin ko. Magpipiloto kasi siya. At ina-update kita dahil ung best friend mo ay kukuha din ng pagpipiloto. At di ko na rin alam bakit naging napakakomportable ko para i-update ka na nag-side trip kami sa Baguio. At yung mga bagay na nakikita ko, kinukwento ko sa'yo. Usually, ganito ako kay BK. Naging ikaw si BK sa'ken kahapon. Sana hindi ka na-bore. Parang buong araw kitang kausap kahapon dahil napakadaldal ko. Buong araw kitang kausap na para bang walang nangyaring inis sa'ken nung nakaraan.
***
PUBLISHED DATE: May 6, 2018
POSTED IN: Marupok Si Aquoh, Tinatangi
TAGGED UNDER: buong araw kita kausap, nabore ka ba, sana hindi
BINABASA MO ANG
Tinatang(g)i
RomancePara sa mga alaala na masakit na gusto mong kalimutan at mga alaalang binabalik-balikan. Almost three years ago, nagpasya na ako magmove-on from a love that I later on confirmed to be a one-way street. Pero before ako fully maglet-go, ibinuhos ko la...
