One week na tayo magkausap – most of the time, randomly – over Viber! Wow naman yung exclamation point ko. Excited? Natutuwa ata ako na ganito tayo.
Simula nang mas hindi na ako nababahala if magrereply ka pa ba, sasagutin mo pa kaya yung huling message ko or i-sseen mo na lang, babalikan mo pa kaya ako pag sinabi mo na namang brb. Simula nang mas naging panatag na'ko sa buhay; na tanggap ko na na hindi lahat ng gugustuhin kong mangyari, matutupad. Na hindi kita hawak, na kahit kailan yung mga magiging desisyon mo, hindi ko control. Simula nang naging mas mapagpalaya ako, umagos na lang tayo'ng parang ilog.
Hindi tayo magkausap buong araw. Pero ngayong linggo, hindi lumipas ang isang araw na wala tayong napag-usapan. Minsan nandyan ka na sa umaga, minsan naman sa gabi na, kanina nandyan ka ng tanghali. Minsan nagkakausap tayo sa loob ng thirty minutes lang, o minsan one hour, kagabi two hours yun gang sa 'di ka na nakareply kasi tulog ka na. Ang aga mo matulog — 10pm — papasa ka na bilang lolo.
Wala sa expectation ko na ganito tayo buong linggo. Wala sa expectation ko na mababasa ko randomly pangalan mo sa cellphone notifications ko — pagkaalis mo ng office, o kaya kahit nasa gym ako, o isang Sabado na magssend ka nalang ng picture ng pagpapahinga mo. Wala sa expectation ko na babalikan na naman natin yung memory ng company teambuilding three years ago kung saan leader ka at assistant mo'ko at 'di pa rin tayo makaget-over sa mga pinaggagagawa nating tayo lang dalawa ang natatawa. Wala sa expectation ko na sasabihin mo ng pabiro na magreresign ka na at sasabihin ko naman sayo na bigyan mo'ko ng one month notice dahil 'di ako ganun kabilis maglet-go. Wala ka na sa expectation ko. Pero ang labo minsan ng unibers, 'di kita ineexpect pero nandyan ka na ulit. Tancha ko, pag nasanay na'ko, panigurado mawawala ka na naman.
Si BK yung lagi kong kausap sa araw-araw, minsan minu-minuto, kaya alam kong kapag tumunog na yung notification sa Viber, si BK yun. Pero this week, hindi lang si BK ang regular, ikaw din. Pero ewan ko, natutuwa ata ako kasi hindi ko alam kelan at alin sa mga Viber notification ang magbibitbit ng pangalan mo. Parang lagi kang surprise entry. Mahilig pa naman ako sa surprises.
Sabi mo lahat ng bagay nagbabago. Sabi mo lahat ng bagay pwedeng mawala kaya icherish ko kung alin at sino yung nandyan ngayon kasi isang araw, high probability na mawawala rin sila. Sabi mo kasi, nagrereprioritize mga tao these days kaya dapat magprioritize na rin ako ng buhay ko. Sabi ko naman, sige; tapos pinaalam ko sa'yo yung new rule ko in Life: when and while people are there, we are happy and thankful; when they leave, we let them go, we thank them for the memories.
When and while I have this moment with you, I am happy and thankful. When you leave, I will let you go and I will still be thankful. Thinking of all my memories with you has always been one of my happiest thoughts.
Dati, takot ako na mawala ka. Ngayon, takot pa rin ako. Ayaw ko kasing makalimutan mo'ko, tayo. Pero mas naiintindihan ko paunti-unti na, hindi kita kaya isilid sa bulsa ko habang buhay. May mga alaala na posibleng mapalitan balang araw dahil nagbabago ang puso ng tao. Kahit ganun pa man, ngingiti pa rin ako para sa lahat ng pagkakataong binibigay ng unibers para magkaron ako ng alaalang ganito. Ngingiti ako sa lahat ng magiging alaala mo.
***
PUBLISHED DATE: April 22, 2018
POSTED IN: Tagu-taguan ng Feelings, Tinatanggi, Tinatangi
TAGGED UNDER: gang kelan kaya kita makakausap, pang-isang linggo nato, sana di matapos agad
BINABASA MO ANG
Tinatang(g)i
RomancePara sa mga alaala na masakit na gusto mong kalimutan at mga alaalang binabalik-balikan. Almost three years ago, nagpasya na ako magmove-on from a love that I later on confirmed to be a one-way street. Pero before ako fully maglet-go, ibinuhos ko la...