At natapos na ang streak natin ngayong araw.
Ako yung huling nag-message kagabi, hindi ka na nagreply. Madaldal ka sa barkada Viber pero 'di ka na nag-message sa personal. Hinintay ko. Hanggang ngayon hinihintay ko. Baka sakaling dala ng notification ng cellphone ko ang pangalan mo. Pero wala. Wala na. Tapos na ata.
Lahat ng beginning, merong ending. Ngayon na ata tinatapos ng unibers ang pagtatagpo ng buwan at paglubog ng araw. Ayoko pa sana. Pero pinangako ko na ngingiti ako para sa lahat ng alaala na nabuo natin. At pinangako ko rin na di ka hahawakan ng mahigpit kapag nagpasya ka na muling lumisan. Paalam na naman ba?.
***
PUBLISHED DATE: May 3, 2018
POSTED IN: Ang Mag-move On Ay Di Biro, Tagu-Taguan Ng Feelings, Tinatanggi
TAGGED UNDER: narating na ba natin ang dulo tanong ni sarah g, ty para sa lahat ng alaala mo, yes ito na narating na natin ang dulo
BINABASA MO ANG
Tinatang(g)i
RomansaPara sa mga alaala na masakit na gusto mong kalimutan at mga alaalang binabalik-balikan. Almost three years ago, nagpasya na ako magmove-on from a love that I later on confirmed to be a one-way street. Pero before ako fully maglet-go, ibinuhos ko la...
