Napapag-usapan natin kahapon yung mga out of the country plans natin separately. Mag-ta-Taiwan kasi ako this year, tapos sabi mo gusto mo either mag-Sagada or mag-Japan. Parang halos magkalapit yung dates natin kasi sabi mo hindi ka makakapunta sa company Christmas Party kasi wala ka nung time na yun. Ako naman, sakto, kakabalik lang.
Lagi mong sinasabi na ang ganda ganda ng Japan. Lagi mong sinasabi na puntahan ko yun. Sabi ko, someday, pupuntahan ko. Pag napadpad ako sa Japan kako dadalin ko si Lonzo pabalik doon. Binigay mo sa'ken si Lonzo nung nanggaling ka sa Japan last year. Sa lahat ng pebble sa collection ko, siya lang ang may pangalan. Thanks to you, lol.
Nagulat ka ata sa nabanggit ko kaya ang sabi mo, buhay pa pa pala si Lonzo. Akala mo walang nagmahal sa kanya. Sa dami nang nangyari nung nakaraan, siguro pati yung pagmamahal ko kay Lonzo 'di mo na naramdaman, haha. Pero inulit ko sa'yo na special siya. Sabi mo, lagi kong dalin si Lonzo kahit sa'n ako magpunta, tapos pag mag-wish ako sa kanya, matutupad kamo. Sabi mo si Lonzo ang lucky charm ko.
Isama ko kaya si Lonzo sa Taiwan? Natatandaan mo ba dati meron pa tayong hashtag: #AnywhereWithLonzo? Siya lang ang pebble na makakapaglakbay dahil dati sinabi natin na dadalin ko siya sa kahit anong lugar na puntahan ko. Pakiramdam ko 'pag sinama ko siya, parang kasama na rin kita. So, baka dalhin ko talaga siya sa Taiwan. Para makita niya sa'n ako unang bansa'ng nakapunta outside Pinas. Kunan ko na rin siya ng picture sa bawat lugar na pupuntahan ko tulad ng ginawa mo sa kanya doon sa Japan.
Sa end of November pa yung Taiwan ko, nakakapag-usap pa rin kaya tayo araw-araw sa time na yun? O naputol na kaya ang streak by then?
Mag-wish kaya ako kay Lonzo.
***
PUBLISHED DATE: May 8, 2018
POSTED IN: Tagu-Taguan ng Feelings, Tinatangi
TAGGED UNDER: if lonzo is my lucky charm, you are my charmiest luck, yuck makapagrhyme lang but well
BINABASA MO ANG
Tinatang(g)i
Lãng mạnPara sa mga alaala na masakit na gusto mong kalimutan at mga alaalang binabalik-balikan. Almost three years ago, nagpasya na ako magmove-on from a love that I later on confirmed to be a one-way street. Pero before ako fully maglet-go, ibinuhos ko la...