Migraine

7 1 2
                                    

Hindi ko alam ang dapat maramdaman.


Concert ni M kahapon. Ito yung sa Ateneo. Ito yung nagsabi ka na pwede ako sumabay sa'yo kung mahihirapan ako papunta sa venue.


Natuloy ang mga original plans: nakapanuod kami ni BK ng Avengers tapos nasundo mo'ko sa may MRT GMA station. Una dapat may sasabay sa'ting iba, pero sa huli, naging tayo lang dalawa.


Natapos kami manuod ng around 3:30pm, nagmessage ako sa'yo right after. Magkikita tayo dapat ng 5:00pm pero nagreply ka, ang sabi mo, wag akong magmadali bilang marami tayong oras dahil 7:30pm pa ang concert. Masunurin naman ako kaya nag-extend ako ng konting time kasama si BK. Instead of 4:00pm, umalis ako ng Newport ng 4:45pm. In short, nakarating ako sa MRT GMA ng 6:00pm. Hindi ka naman nagalit kasi pinanindigan ko lang naman yung sinabi mong wag akong magmadali.


Nung nagkita na tayo, naging normal lang ang mga pag-uusap. Kung dati ito, kakabahan pa'ko. At dahil maaga pa, nagpasya tayong kumain bago pumunta sa venue. Nagpunta tayo sa McDo malapit sa Ateneo. Nag-order ka ng 2-pc Chicken at sinabi mong ibibigay mo nalang sa'ken ung kanin dahil hindi ka na nagkakanin. So kung may double chicken ka, ako may double rice — ito ang dahilan kung bakit mas malaki pa ata ako sa'yo at kaya na kitang ibalibag.


Habang kumakain tayo, sabi mo, kung naging maaga yung pagdating ko – kung nakarating ako ng 5:00pm – dapat ang gagawin nating daanan ay pa-East Road at dadaan tayo sa UP at kakain ng isaw sa Mang Larry's. Nagulat ako. Bakit di mo kagad sinabi, e gusto ko sana ng isaw. Pero pinandigan mo ang rason mo na ayaw mo ako madaliin. Tancha ko, ginawa mo yan para ipaubaya lahat sa "God's plan" (inside joke natin 'to) na kung makakarating ako ng maaga, meant to be na mag-isaw tayo. Kaya lang hindi ako nakarating ng maaga. Kaya wala din akong isaw. Nauwi tuloy tayo sa McDo. Masaya pa naman sana mag-isaw sa UP.


Nung nakarating na tayo ng venue, nalaman na ng group of officemates-friends natin na tayong dalawa yung magkasabay. Naging natural na naman ang pang-aasar. Nung nakapunta tayo sa loob ng theatre at sa reserved seats ng group, nauna ako umupo — sa kaliwa ko, may isang bakanteng upuan; sa kanan ko, may dalawang bakante pero ang katabi nun ay ang mga kaibigan din natin. Nung uupo ka na, hindi mo'ko tinabihan, doon ka sa kanan ko umupo, sa dulong upuan na bakante. Ayaw mo ba'kong katabi talaga? O ayaw mo lang na maasar tayong dalawa? Pagdating ni K, pinalipat ka niya sa tabi ko at siya ang umupo sa upuan mo. In the end, naging magkatabi pa rin tayo.


Harapan mang-asar si K. Liningon niya tayo at nagpaka-talkshow host. Meron siyang invisible mic at nagtatanong kung kamusta yung naging date natin. Pero binalik mo sakanya yung tanong, tinanong mo siya tungkol kay I. Pareho niyong nakilala si I at H sa wedding ni C; sila yung mga naging partner niyo sa single's game, sila rin sana yung gusto nilang maging partner niyo in real life. Tinanong mo si K kung nag-uusap pa ba sila ni I kasi sabi mo kayo ni H wala nang communication. Sabi mo kasi laging ikaw yung nag-memessage, parating ikaw yung nauuna, kaya napagod ka na. Sabi mo, hindi ka ata type.


Hindi ko alam kung matutuwa ba'ko na di na kayo nakakapag-usap o maguguluhan ako kasi kung nauuna ba siyang mag-message sayo, posibleng magkaron ng kayo? Alam ko na dapat wala na'kong maramdaman dito pero di'ko maintindihan. Nung kinwento ko yan kay BK, conclusion niya, doon ka nalang sa madali, doon sa hindi ka mahihirapan — aka ako. Option pa rin. Sabi ko sakanya, hindi ako option, hindi ako naging kasali sa choices at hindi ako magiging kasali sa choices. Sabihan ba naman ako ni BK na bulag at bingi.


Nasa isip ko na kasi ngayon, kaibigan mo'ko. Hindi na ako yung taong maghihintay pa sa'yo o aasa pa sayo. Hindi ko na kakantahin yung Migraine ng Moonstar88 habang damang dama ang linyang: nasan ba'ko sayo? Alam ko tapos na'ko dun. Pero hindi ko alam bakit kagabi gustong gusto ko ulit yan kantahin.


Hinahanap ko na naman ba yung lugar ko? Umaasa na naman ba'ko?


***

PUBLISHED DATE: April 29, 2018

POSTED IN: Ang Mag-Move On Ay Di Biro, Tadhana Your Face, Tinatanggi, Tinatangi

TAGGED UNDER: dapat na-master ko na yung feelings ko eh, hindi ito multiple choice, i refuse to be an option, ung heart ko kumakalma pa pero ung brain ko naguguluhan na siya

Tinatang(g)iTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon