Nakakagulat, di ako prepared.

10 0 0
                                        

Lito level is real.


Ilang weeks ko na pinag-iisipan kung tatanungin na ba kita sa sitwasyon nating dalawa? Gagawin na bang klaro ung sa tingin kong blurred lines sa gitna natin? Kapag ginawa ko bang klaruhin, mawawala ka ba?


Nagpasya na'ko eh, sasabihin ko na sa'yo sa weekend. The only reason why I had to admit and talk to you about my feelings is because I am so confused in our relationship. Why do you do what you are doing? Ako lang ba yung ganitong feeling o ikaw rin ba? Kelangan ko nang malaman para matapos na. Yung paghihirap ko, yung pag-iisip ko kung mutual ba talaga 'to o tama silang lahat na mali ako?


Nasabi ko kay BK na sasabihin ko sayo soon. Naplano ko na -- August 11 (Saturday). Issqueezed in kita sa afternoon after ng work since may lakad ako sa gabi. Nakakatawa talaga, napili kong araw ay same day na magppropose ung boyfriend ng kaibigan ko sakanya. Pinili ko yun kasi doon ako may time hahahahaha pero di'ko mashado naisip na kapag natapos ung confrontation natin at devastated ako, nasa tamang utak kaya ako para makicelebrate. So naisip ko i-advance nalang tutal tancha ko walang difference yung magiging sagot mo.


Kakain kami ni BK ng dinner kasi sa next Tuesday ko pa ulit siya makikita. Ikaw din mawawala for Thursday and Friday kaya naman naisip kang isama ni BK sa kain which pumayag ka naman. Long story short, tatlo tayong nagJollibee. At mahigit tatlong oras din tayo sa Jollibee.


Ang daming napag-usapan. Isa na dun yung about having future family. Magkaiba tayo ng perspective in most principles. Sabi mo, yung pagkakaron ng family, sinet lang yun ng movies -- na magiging masaya lang kapag may pamilya, may anak, etc. Pano kamo kung hindi pala yun yung happiness nung tao. Pano kamo kung gusto niya lang magtravel o magtrabaho o kahit ano na di related sa pagkakaron ng pamilya. Sabi mo what if magka-anak ka nalang pero di magpakasal kasi family is only something that the movies is giving us, you said. Andami namang naghihiwalay, andaming nagddivorce.


Agree ako na having a partner or a family isn't the whole purpose of life. Some may not be for that. Pero not believing in the values of being a family, doon ako iba sa'yo. I believe in commitment. I believe in marriage. I believe if we choose to have a family to raise, no matter how difficult and messy it would take, we would do our best to choose to stay and be with the family that we have. Care for them. Love them. Unconditionally. Commit ourselves fully. Pero di ko na yan nasabi sa discussion.


Tapos nasabi ni BK, baka kaya ganun mga pananaw mo is because wala ka pang girlfriend. Natanong niya kung meron ka na ba daw nahanap. Mabilis yung sagot mo. Wala pa akong nahanap. Hindi ko alam san ba'ko lilingon para itago yung sakit na tumagos sa puso ko. Nakakagulat, di ako prepared.


Unang naisip ko, gusto ko nang umuwi. Naisip ko, ano pang sense ng itatanong ko sayo sa weekend? Dapat ko pa bang itanong? Alam ko na yung sagot. Klaro na. Dapat ko pa bang ipaulit sayo? Sobrang sakit. Naguilty pa si BK kasi napangunahan niya yung tanong ko. Pero di ako dun nalungkot. Naisip ko, if ako pa ba magtatanong, may magbabago pa ba dito? Gusto ko ikwestyon lahat ng meron tayo, ano ba yun? Wala lang lahat? Wala kang nakita eh. So wala lang lahat.


Sobrang tempted akong mawala na lang sa buhay mo nang walang pasabi kasi naman sobrang sakit. Ano ba'ko sayo? Ano ba tayo? Kung wala pala, itigil na natin 'to.


***

PUBLISHED DATE: August 1, 2018

POSTED IN: Ang Mag-Move On Ay Di Biro, Tadhana Your Face, Tinatanggi

TAGGED UNDER: aasa bako sayo, asan bako sayo, jollibee is sadibee, nahihilo nalilito, nasusuka ako

Tinatang(g)iTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon