Willing to Wait

12 0 0
                                    

Nagpromise ako kay BK dati, kapag gumaling siya, paglulutuan ko siya ng bacon. Nung Thursday ko tinupad ang promise, few weeks after niya gumaling. Pero as with any family, if you cook for one, you cook for the whole tribe. Kaya naman pinaghandaan ko ang buong pamilya kabilang si kwan. Ang napagpasiyahan kong gawin ay BLT with Cheese Sandwich.


First time ever kong makareceive ng "ang sarap" compliment sa kahit anong hinanda kong food related. Akala ko, never in my entire life ko makakamtan yan. Sandwich lang pala ang kailangan! Ito na ang magiging specialty ko from now on.


Sabi ng nanay ko, opis family ko (Rockstars), at si kwan — pwede na daw ako magbusiness. Ang ganda daw ng ichura ng sandwich tapos masarap pa. Sabi namin ang halaga ng sandwich ay P80 without effort, kanya-kanyang assemble; P100 with effort; P150 with effort and love. Meron kayang o-order at willing to wait? Lol.


Sobrang saya pala ng feeling talaga kapag natuwa yung mga taong gusto mong mabusog ng pagmamahal. Pero sa tancha ko, madali lang naman talaga gumawa ng sandwich, grabe naman kung ma-fail ko pa. Hahaha pero happy pa rin ako. Gawin ko kaya 'to every month?


Sabi ng nanay ko dapat daw pinatikim ko sa taong gusto ko. Siyempre pa, naisip ko na yun bago niya pa nasabi. Natikman ng taong gusto ko at nasarapan din naman siya. Kahit sobrang stressed niya lately, siguro kahit mga 2 minutes, nakapawi yung sandwich ko ng stress. Sapat na yun. Inagaw na ulit ng stress sa stock market yung spotlight sa'ken after, eh.


Ang saya pa rin ng feeling ko. At sobrang napa-proud ako sa nagawa ko. Minsan lang ito, unibers. Pano pa if gumaling ako magluto?


***

PUBLISHED DATE: May 18, 2018

POSTED IN: Mga Bagay Na Mas Mahalaga Kesa Sa Baked Salmon

TAGGED UNDER: blt with cheese and pag-ibig please, willing to wait

Tinatang(g)iTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon