Kahit di ko ata aminin, di'ko malilinlang yung sarili ko. Alam kong in denial ako kasi gusto pa rin kita. Gumagawa pa rin talaga ako ng paraan para makipag-usap sa'yo.
Sinabi mo kagabi, nawalan na kayo ng communication ni H kasi puro ikaw yung laging nauuna mag-message. Yung unconscious-and-in-denial self ko ginawa siyang reference for future actions such as what I did today. Mabilis ang pagkilos ko, inisip ko kasi clue yung sinabi mo.
Wala pa tayong napag-usapan ngayong araw. Pero technically, since inabot tayo ng madaling araw sa daan kagabi at nakakapag-usap pa tayo then, papasa na sana yun as entry for a Sunday. Pero ayaw ko kasi maputol yung streak natin kaya naman gumawa ako ng paraan para ma-satisfy yung happiness ko. Sa ganito nagsisimula ang mga taong napakabagal mag-move on: humahawak ng mahigpit at ayaw pakawalan ang iniisip nilang bagong chance na binibigay ng universe. In-denial pa pero nagsisimula na namang makulong sa sariling realidad.
Dahil wala ka pang message ngayong araw, nagmessage na'ko. Sumasagot ka naman. Pero minsan pakiramdam ko kapag ako yung nag-oopen ng discussion, parang 'di ka naman interesado. Nakakawalan ng gana. Tapos magsisisi na naman ako kung bakit ko pa kasi naisip na baka gusto mo naman ako ang mangamusta this time. Pero parang it was never the case.
Sabi ko, kaibigan na lang ako. Pero takot na takot pa rin ako maputol yung streak natin. Takot ako'ng 'di ka na bumalik. Ito na naman, nagsisimula na naman. Kelangan ko bumalik sa senses ko. Kelangan ko ulit magising at hayaan ang buhay. Kung mag-stay ka man o umalis, hindi ko hawak. Kung magpatuloy tayo o huminto at bumalik sa zero ang streak, hindi ko hawak. Hindi kita hawak. Naiintindihan ko na ito pero minsan naiisip ko pa ring humawak sa'yo. Ayaw pa rin kita pakawalan.
Kelangan baguhin ang perspective. Kelangan piliin maging malaya.
***
PUBLISHED DATE: April 29, 2018
POSTED IN: Ang Mag-move On Ay Di Biro, Tinatanggi
TAGGED UNDER: dapat na-master ko na feelings ko eh, natatakot ako, pano ba maging matapang

BINABASA MO ANG
Tinatang(g)i
RomancePara sa mga alaala na masakit na gusto mong kalimutan at mga alaalang binabalik-balikan. Almost three years ago, nagpasya na ako magmove-on from a love that I later on confirmed to be a one-way street. Pero before ako fully maglet-go, ibinuhos ko la...