Nakauwi ka na?

37 1 0
                                    

Ang tanong na nakapagpakilig sa'ken ngayong gabi. Sobrang tagal na mula nung huli mo itong tinanong sa'ken. As in ageszzzzz. Mahilig ka dati sa "uwi na" o kaya "bakit nasa office ka pa" pero never mo tinatanong if nakauwi na'ko. Meron ata dati — once or twice — pero as I say, it's ages ago. May agiw na sa memory kaya never ko na rin ineexpect from you. Pero ngayong gabi, napangiti ako ng tanong mong yan.

Oo, world, alam ko naman na ang babaw ko para matuwa pero alam mo yun, it's the little things. Little things always matter.

Sabi ni BK may interesado atang sumama sa Avengers date namin sa susunod na Sabado aka ikaw. Nabanggit ko ito sa'yo kagabi tapos binaggit mo naman sa'kanya kanina nung meeting niyo. Sabi niya parang balak mo rin manuod pero sa Megamall ka kamo; ininform ka naman ni BK na sa BGC area kami tapos ininvite ka daw niya at sabi mo pag-iisipan mo.

May event din kasi yung isang officemate nating si M sa gabi ng day na yun tapos invited tayo pareho. Dapat hindi ako pupunta dun kasi ang layo pero nilapitan na ako ni M kanina kaya sinabi ko pag-iisipan ko. Pero ang layo kasi talaga. 'Di ko rin alam kanino ako sasabay. Kanina 60% decided na'ko na 'di na lang ako pupunta. Pinag-iisipan ko na lang paano sasabihin kay M.

Tapos bigla ka namang kinwento ni BK. Medyo nagka-hope ako na baka sumama ka sa'men. Although 99% sure ako na you would rather watch it alone at Megamall since ang traffic pag Sabado tas walang sense if pupunta ka pa sa BGC area. Pero naisip ko kasi nun — nasabi ko rin kay BK — kung sasama ka sa movie, eh 'di pwede akong sumabay sa'yo papunta sa event ni M. Natuwa ako sa idea na yun. Kaya sabi ko kay BK, i-fish ko mismo sa'yo if makakasama ka sa'men.

Nag-message ka habang nasa gym ako, kinukwento ang dinner mong Vegetable Lumpia, Turks, at Buko Juice. Kumakain ka na ng dinner ngayon, sa wakas! Hindi ko kasi maintindihan bakit ka nag-iIntermitent Fasting, eh fit ka na in the first place! Ang liit mo na nga, mas malaki na'ko sa'yo, kayang-kaya na kita ibalibag. Buti na-decide mo na rin na maging normal na sa pagkain. Except carbs, sabi mo, so 'di ka pa rin kakain masyado ng kanin.

Habang nasa gitna tayo ng pag-uusap, nagsimula na'ko mag-fish.

Tinanong kita kung pupunta ka sa event ni M kahit alam kong confirmed ka na. Sabi mo pupunta ka. Tapos sabi ko, invited din ako ni M pero iniisip ko pa if makakapunta ako since after lunch yung movie namin ni BK tapos ang layo ng event place (Ateneo). Sabi mo, dapat pumunta ako kasi invited ako. Tinanong kita pa'no ka pupunta, sabi mo galing bahay going to the ADMU. Tadaaaa! Nasagot na ang tanong if sasama ka sa Avengers movie or hindi. If manggagaling ka sa bahay, malamang sa malamang, 'di ka sasama sa movie day. Pero sabi mo, pwede ako mag-MRT to Quezon Avenue tapos susunduin mo na lang ako doon sa may McDo. Nasundo mo na ako diyan dati kaya alam ko na yan. Pero sabi mo ulit, pwedeng GMA na lang tapos sa Ministop.

Pinag-isipan ko. Kinausap ko rin si BK. Long story short, nagdecide na ako tumuloy sa event ni M since may masasabayan na naman ako. Buti nag-offer ka. Bale, pupunta ako sa PUP in the morning para magpick-up ng isang document. Tapos 11am – 4pm schedule ko with BK. Sabi mo kasi 5pm kitaan sa MRT Quezon Ave or GMA. Tapos makakapunta rin ako sa event ni M by 7:30pm. Hitting three birds in one go, lol.

Sabi ko sa Quezon Ave na lang ako bababa para makipagkita sa'yo sa McDo. Pero sabi mo sa GMA na lang para hindi na ako mahirapan. Kasi pag QAve, tatawid pa'ko sa overpass; pag GMA, pagkababa ko Ministop na. So nag-agree na'ko sa plano. Nag-agree na tayo.

Ngayon, ni-lolook forward ko tuloy yung next Saturday. Sa dami ng lakad ko, pinakaexcited ata ako sa part na susunduin mo'ko. May sasabay pa kaya sa'yong iba? Si K high chance. Pero ayos lang kahit kasama si K, masaya akong kasama kayo. Pero mas nakikilig siguro if ikaw lang at ako.


***

PUBLISHED DATE: April 21, 2018

POSTED IN: Marupok si Aquoh, Tinatangi

TAGGED UNDER: gang kelan kaya kita makakausap, kikiligin kaya ako next sabado, mas excited pako makasama ka kesa sa kahit anong event, pano kung tayo lang dalawa magkasabay, saya nun pag nagkataon

Tinatang(g)iTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon