Kasi nalaman mong nainis ako sa'yo kanina tungkol sa banat mo sa'men ni kwan. Normal conversation natin nauwi sa pa'no tayo nag-re-react 'pag naiinis. Sinabi ko na kapag nainis ako, 'di na ako magsasalita, hahayaan ko na lang, 'di ko na lang papansinin. Iisipin ko muna kung napakababaw ng iniinda ko pero kahit kailan 'di ko yun sasabihin sa tao na nakasakit saken.
Naramdaman mo kamo kanina na nainis na'ko. Pero pinilit mo na kapag may mga ganun ulit na bagay na mangyari sa future, kelangan ko sabihin if foul na ba. Pero hindi kasi talaga ako ganun. Hangga't kaya kong bigyan ng dahilan yung ginawang action ng isang tao, maiisip ko naman na hindi nila intention na saktan ako. Pero nag-insist ka pa rin. Pagkatapos you said sorry.
Nasabi ko sa'yo na pakiramdam ko katulad kanila kanina dahil sa nangyari. Tulad ng mga taong pakiramdam kong nakaka-misjudge kay kwan at sa pagkakaibigan namin. Hindi man sila mag-sorry, napapatawad ko sila. Napatawad naman na kita even before you said sorry, pero salamat, ah?
***
PUBLISHED DATE: May 9, 2018
POSTED IN: Mga Bagay Na Mas Mahalaga Kesa Sa Baked Salmon
TAGGED UNDER: i forgive u, i will always forgive u
BINABASA MO ANG
Tinatang(g)i
RomancePara sa mga alaala na masakit na gusto mong kalimutan at mga alaalang binabalik-balikan. Almost three years ago, nagpasya na ako magmove-on from a love that I later on confirmed to be a one-way street. Pero before ako fully maglet-go, ibinuhos ko la...