Nakashuffle play ako sa Spotify ng mga lumang alternative rock music. Tumugtog yung Mr. Brightside. Nag-flashback sa'ken nung wedding ni C, yung after party, yung lahat tayo nagsasayaw sa kantang yan. At kayong dalawa ni H ang pinagtutulakan ng lahat para maging isang solid labteam.
Pagod na pagod na pagod ako nung oras na yan. Hindi ko alam sa papanong paraan ko ikukubli yung inis, selos, galit, lungkot. Nagpanggap akong maligaya, dinaan ko sa sayaw yung mga luhang gusto na sana iiyak ng mga mata ko sa lahat ng nasasaksihan ng puso ko. Ang hirap. Mr. Brightside pero parang nasa dark side na'ko.
Ayaw ko na sana ng kantang yan dahil naalala ko lang yung mundo kung san naiwan ako at napunta ka na sa iba. Hahaha, ang drama. Pero ginoogle ko ung lyrics, saktong sakto pala:
I just can't look its killing me
And taking control
Jealousy, turning saints into the sea
Swimming through sick lullabies
Choking on your alibis
But it's just the price I pay
Destiny is calling me
Open up my eager eyes
Cause I'm Mr Brightside
Nag-dedicate pa pala ng song sa'ken ang unibers. Tama pala yung music selection ng DJ. Fitting pala sa lahat ng naramdaman ko nung gabing yun.
Kung imposible lang ang pag-uusapan, tayo siguro yung kumakatawan sa salitang yan. Ang daming factors bakit kahit kailan hindi pwede, kahit kailan hindi maaari. Iniisip ko pa lang, ang linaw na eh. Kahit kailan walang magaganap na tayo. Kahit pagbali-baliktarin ko pa ang mundo, kahit hilingin pa kita kay Lonzo, hindi ko ata mahahawakan ang mga kamay mo.
Pero masaya ako na magkaibigan tayo. Masaya ako na nakakapag-usap tayo araw-araw (one month and four days na). Masaya ako sa kung anong meron. Hindi natin alam kung hanggang kailan, pero masaya ako. Ganito siguro ang pakiramdam ni Mr. Brightside all along.
***
PUBLISHED DATE: May 19, 2018
POSTED IN: Ang Mag-Move On Ay Di Biro, Tinatanggi, Tinatangi
TAGGED UNDER: ikanta nalang natin to, kung pwede lang magskip ng mga bwisit moments of life, may mga flashbacks na nag sakit pag naalala, may mga flashbacks na sana wala ka nalang dun para di na siya flashback, pero just look at the bright side, there's always a bright side of things
BINABASA MO ANG
Tinatang(g)i
RomancePara sa mga alaala na masakit na gusto mong kalimutan at mga alaalang binabalik-balikan. Almost three years ago, nagpasya na ako magmove-on from a love that I later on confirmed to be a one-way street. Pero before ako fully maglet-go, ibinuhos ko la...
