Para sa mga alaala na masakit na gusto mong kalimutan at mga alaalang binabalik-balikan.
Almost three years ago, nagpasya na ako magmove-on from a love that I later on confirmed to be a one-way street. Pero before ako fully maglet-go, ibinuhos ko la...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Palagi kong sinasabi na mahilig ako sa sunrise, sunset, at moon. Na-embed ko na yan sa sistema ng mga taong malapit sa'ken at isa ka na doon.
Kaninang hapon, pinadala mo sa'ken ang paglubog ng araw na nakita ng mga mata mo. First time ka nagbigay ng matinong sunset photo — hindi zoomed in, hindi blurred. Saktong sakto. Maganda ang pagkakakuha mo.
Napanuod ko dati ang Paglipay, ginamit doon ang araw as metaphor:
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Yan din ang hinihiling ko. Ang matapos na sana nang tuluyan ang nararamdaman ko para sa'yo. Pero sabi nga ni Atan, sa bawat paglubog ng araw, may pagsikat muli nito. Kaya siguro parang alon, madalas ay paulit-ulit at paikot-ikot ako, umaasang makarating na sa laot. Tinatanong pa rin kung ang mga buhangin ba ang sasalo sa'kin o masusugatan lang ba ako sa mga bato?
***
PUBLISHED DATE: May 2, 2018
POSTED IN: Ang Mag-move On Ay Di Biro
TAGGED UNDER: ty para sa lahat ng alaala mo, ty para sa sunset photo