Bakit parang na-ju-judge mo na rin friendship namin ni kwan? Bakit parang ayaw mo din siya para saken? Bakit parang hindi na safe if magkwento ako sayo tungkol sa kanya? Or nagbibiro ka lang ba at napipikon lang ako?
Tinuro sa'ken ni kwan nung nakaraan yung tungkol sa 90 seconds. Natutunan niya daw kay Tony Robbins. Sa loob ng 90 seconds, whatever negative emotion na naramdaman mo, damhin mo; after 90 seconds, bitawan mo na. So ganun siguro gagawin ko ngayon. Maaga pa para masira ang araw. At di dapat masira ang araw.
Pero kahit sino pa atang magduda sa pagkakaibigan namin (na tingin ng lahat ay umaasa-paasa scenario dahil sa mga bagay bagay na mahirap ipaliwanag sa blog na'to), kakampi pa rin ako sa'kanya hanggang sa huli.
Pero sa ngayon, tapos na ang 90 seconds, papatawarin na kita.
***
PUBLISHED DATE: May 9, 2018
POSTED IN: Mga Bagay Na Mas Mahalaga Kesa Sa Baked Salmon
TAGGED UNDER: akala ko sila lang huhusga, pero pati ba naman ikaw, siya pa rin ang kakampihan ko hanggang sa huli
BINABASA MO ANG
Tinatang(g)i
RomancePara sa mga alaala na masakit na gusto mong kalimutan at mga alaalang binabalik-balikan. Almost three years ago, nagpasya na ako magmove-on from a love that I later on confirmed to be a one-way street. Pero before ako fully maglet-go, ibinuhos ko la...