Napanaginipan kita. Ito ata yung first time. Magkatabi daw tayo tapos gusto mo daw hawakan yung kamay ko, pero nilalapit mo lang yung kamay mo. Di ko mapigilan sarili ko, nilapit ko na rin yung kamay ko sayo, hinawakan ko yung kamay mo tapos ngumingiti ako. Sa gilid ng mata ko, nakita ko nakangiti ka rin. Masaya akong gumising kasi parang totoo yung saya ko kasi finally nahawakan ko na yung kamay mo.
Ganito rin dati kay C. Bago ko nadecide magmove-on ng legit, masaya din yung panaginip ko. Inakap niya ako nun tas sabi niya di niya ako iiwan, doon nalang daw siya magsstay sa tabi ko. Ang saya ng pinabaon sake'ng panaginip para sa isang future ending na malungkot.
Ito na ba yung huli?
Malapit na ba tayo sa dulo?
Pinabaunan kaya ako ng masayang panaginip ng unibers kasi mashadong magiging masakit ung pagbitaw?
***
PUBLISHED DATE: April 6, 2018
POSTED IN: Ang Mag-Move On ay Di Biro, Tinatangi
TAGGED UNDER: masaya sana pero malungkot, narining na ba natin ang dulo tanong ni Sarah G
BINABASA MO ANG
Tinatang(g)i
RomancePara sa mga alaala na masakit na gusto mong kalimutan at mga alaalang binabalik-balikan. Almost three years ago, nagpasya na ako magmove-on from a love that I later on confirmed to be a one-way street. Pero before ako fully maglet-go, ibinuhos ko la...