Hay.

12 1 0
                                    

Tinutulungan namin si B sa mga paninda niyang homemade fried/dried pusit na dala-dala niya ngayong araw. Meron siyang sampung containers na ibebenta niya sa halagang fifty pesos. Ako yung naging resident Marketing Officer pagdating sa mga tinitinda ng mga tao sa opis. Nung pinost ko na sa Viber groups ng office yung tinda ni B, ina-announce ko kung ilang piraso nalang natitira. Nagreserve si S pero sa personal message; nagreserve ka din pero sa groups ka nagsabi, nagreply ako at ang sabi ko ay gotchu. Yan din naman sabi ko kay S, pero sa groups dapat ata iba na lang naging reaction ko kasi may mga taong nang-aasar na naman. Hay.


Natatakot ako na asarin na naman tayo. Natatakot ako na mailang. Natatakot ako na nag-uusap na naman tayo araw-araw at baka matapos na lang sa isang iglap. Natatakot ako na umasa ulit sa bawat umaga na makikita ko yung pangalan mo sa notification ko. O kaya sa bawat hapon pag-alis mo ng opisina, natatakot ako na maghintay kung magme-message ka na ba. O kaya sa bawat bonding moment niyo ng bestfriend mo, natatakot akong isang araw hihinto ka na lang sa pagkukwento saken kung san kayo nagpunta, anong ginawa niyo, pano ka nila napapatawa at kung gano ka ka-komportable na maging ikaw sa kanila.


Natatakot ako na kiligin ulit. Natatakot ako na mahulog ulit. Natatakot ako na magkamali ulit. Natatakot ako na baka mahalin kita ulit. Natatakot ako na sumugal at matalo. Natatakot ako na masaktan. Natatakot ako na baka ako lang ulit ito lahat.


Hanggang saan ba tayo pwede maging matapang? Hanggang saan ko ba kaya balewalain lahat ng takot pag nakakausap na kita?


***

PUBLISHED DATE: April 27, 2018

POSTED IN: Tinatanggi

TAGGED UNDER: natatakot ako, pano ba maging matapang

Tinatang(g)iTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon