Epal.

7 0 0
                                    

Nagreply ka. Success ako. Pero nakakawalang gana kang kausap.

Sinabi ko na makakanuod na'ko ng Black Panther sa weekend kasi may kopya na'ko. Niloko kita, sinabi ko pag di ko magustuhan, i-coconvince ko ung batang anak ng boss ko na palitan ang favorite character niya sa Marvel.

Andami mo nang rebuttal after. Kesho kung love story ang hanap ko, wag na'ko manuod; about social impact kasi yung movie sabi mo. Dugtong mo pa, panuorin ko nalang ng wanmilyon times ang Tagpuan ni Moira. Grabe lang yung panghuhusga mo sa braincells ko. Manuod na lang kamo ako ng Revenger Squad.

Thanks, a. Salamat sa tiwala. Ayaw na kita kausapin. Pinag-iisipan ko na rin kung may space ka pa ba sa blog kong 'to na wala nang ibang topic kundi Pag-ibig. Baka kasi allergic ka rin. Baka kasi husgahan mo ulit yung buong pagkatao ko. Nakakabwisit.

Pero ihihinga ko lang ito at di ko idadamay ang blog ko kahit ijudge mo pa'to. Bahala ka sa buhay mo. Epal.


***

PUBLISHED DATE: May 3, 2018

POSTED IN: Tinatanggi

TAGGED UNDER: ayaw na kitang kausap, goodbye

Tinatang(g)iTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon