Almost a month after pagkabasted,

12 0 0
                                    

What did I learn from the experience?


Acceptance. Dangerous mag-assume, yes. Pero syempre tao ka lang -- may emosyon, kinikilig, naffall. Sobra akong naguilty nung nalaman kong mali lahat ng assumptions ko, na kahit isa walang tumugma. Nahiya ako sa naramdaman ko. Nasisi ko yung sarili ko na kung siguro di ako na-fall, then lahat kami ngayon maayos pa. Pero sa dulo, wala namang may kasalanan. Hindi niya sinasadya yung actions niya kaya na-fall ako dahil kusang loob ko iyon. Hahaha. Hindi ko rin naman hiniling na kung hindi parehas yung nararamdaman namin sana maging magkaparehas in the end. Syempre kung hindi naman naramdaman nung other person yung same feelings na naramdaman ko, di ko naman siya pwede pilitin at wala akong balak na mamilit. Siguro tanggapin lang yun fact na -- kinilig ka, na-fall ka, nag-assume ka, nagkamali ka ng assumption, nalito ka, kinlaro mo, hindi kayo parehas ng nararamdaman -- iaccept mo lang. Accept and move on.


Don't blame anyone nor yourself. Andami kong times na gusto ko nalang isisi sa ibang tao na bakit nila kailangang gawin yung nagawa nila, nagkagulo tuloy dahil dun. Kung lagi kong isisi o itatanim yung nagawa or magagawa ng mga tao, di ako matatapos at magkakaron lang ako ng galit. Ayaw kong magtanim ng galit. Farmer ako pero di ko seed ang grudge. Kung may itatanim ako, magtatanim ako ng pagmamahal at pagpapatawad.


People you love would want to protect you but sometimes you have to stand for what you believe in. Minsan pag mashadong maraming taong may gustong sabihin tungkol sa mga desisyon mo, nawawala ka sa ingay ng tingin nila ano ang mas nararapat mong gawin. Malulunod ka sa opinyon nila. Pwede ka rin masaktan. Pero hindi kakayaning i-please ang lahat ng tao. May desisyon ka sa tama o mali, kahit anong gawin mo may masasabi sila. Basta alam mong nag-ingat ka, wala kang natatapakan, manindigan ka sa desisyon mo. Kung klaro na para sa'yo, klaro na. Hindi sila laging sasang-ayon. Hindi mo kailangang laging may sumang-ayon sayo. Do what is right.


Masakit kapag hindi pala kayo parehas ng nararamdaman ng taong gusto mo. Pero ang Lord, hindi ka Niya naman hahayaan mapunta sa taong hindi para sa'yo. Kung pinagdadasal mo yung taong ibibigay sayo ni Lord, syempre ilalayo ka Niya doon sa hindi naman Niya nilaan sayo. Magtiwala ka lang.


Sa ngayon, yung mga kaibigan na meron ka, i-value mo. Makipagkaibigan ka pa sa marami. Gawin mo yung mga bagay na pinapangarap mo; puntahan mo yung mga lugar na gusto mo puntahan; hanapin mo yung sarili mo, yung purpose mo; maging mas close pa kayo ng Lord. Marami pang i-ooffer ang buhay. Babangon lang tayo kahit minsan paulit ulit nadudurog. Lalaban lang tayo kahit minsan paulit ulit natatalo. Pasasaan ba't mananalo rin tayo sa dulo. Minsan, hindi nga lang yung panalong ineexpect natin pero malamang sa malamang, yung panalong mas magiging makabuluhan para satin.


***

PUBLISHED DATE: September 1, 2018

POSTED IN: Mga Bagay na Mas Mahalaga Kesa sa Baked Salmon, Tinatangi

TAGGED UNDER: nagmahal nasaktan nagtitiwala pa rin kay Lord, wag kang matakot na umibig at lumuha

Tinatang(g)iTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon