Recap tayo ng last month at mga other weeks in between na hindi ko na naisulat pero kinatuwa ko pa rin in person:
1. Araw-araw magkausap for the past three months. Grabe. Di'ko naman inexpect na magagawa nating makapagusap sa pang-araw araw. Ito yata ang naging dahilan kung bakit parang nanumbalik yung closeness natin. Mas naging komportable na ulit tayo. Mas naging natural na ang daloy ng pag-uusap. Going fourth month na this August. At,binibilang ko pa rin, wow.
2. Updated ako sa buhay mo. Ninety percent of the time, alam ko kung nasan ka, anong ginagawa mo, san ka pupunta, ano gagawin mo in the future. Inuupdate mo'ko. Lumalambot ang puso ko. Parang baka sa sinigang na isang oras nang pinapakuluan.
3. Updated ka sa buhay ko. Bilang nag-uupdate ka ng buhay mo, edi ito naman si ako, inuupdate ka rin sa buhay ko. Minsan hindi ko sure kung may pakialam ka, pero, inuupdate pa rin kita. Iniisip ko, sa lahat ng pang-uupdate mo, shemps baka naman gusto mo marinig anong ganap sa life ko.
4. Minsan buong araw tayo magkausap. May ilang weekend na nakakausap kita buong araw. Hindi minu-minuto pero buong araw. Kahit pa minsan puro lang yun sa pang-eencourage ko sa'yo sa work or di kaya pangungulit mo at pagiging alarm clock sa mga drawing ko sa life, kinakatuwa ko pa rin. Paulit-ulit pala ako sa buong araw at yes, ganun ako kakilig. Paulit-ulit. Luh.
5. Mga actions mo nakakalito. Na-fall na ulit ata ako. O umaasa na naman na baka may possibility talaga na mutual 'to. Araw-araw usap, updates, mga kwento, mga pakikinig mo sa mga advise ko, mga actions. Pakiramdam ko may chance talaga na mutual 'to.
Ano kayang kakalabasan natin sa dulo?
***
PUBLISHED DATE: July 25, 2018
POSTED IN: Ang Mag-Move On Ay Di Biro, Marupok si Aquoh, Tinatanggi, Tinatangi
TAGGED UNDER: icompare ko daw ba sa baka ng sinigang yung feelings ko, it's all coming back besh, lumalambot nako, the fragile heart is so fragile it can't even
BINABASA MO ANG
Tinatang(g)i
RomancePara sa mga alaala na masakit na gusto mong kalimutan at mga alaalang binabalik-balikan. Almost three years ago, nagpasya na ako magmove-on from a love that I later on confirmed to be a one-way street. Pero before ako fully maglet-go, ibinuhos ko la...