Parallel Lines

22 0 0
                                    

May naikwento sa'ken si S kanina; sumabay kasi siya pag-uwi kay D kahapon. Marami daw sila napag-usapan at isa sa topics nila ay tayo. Excited si S na sabihin sa'ken kasi pakiramdam niya kikiligin ako.


Nung pauwi na daw kayo galing sa team-building, nakapag-heart-to-heart ka daw kina D at T. Tulog kasi si S kaya kinukwento na lang sa kanya ni D kahapon. Sa lahat naman ng pagkakataon, doon pa siya natulog at di narinig ang mga kwento niyo. Kung anu-ano daw napag-usapan niyo, tinanong ka daw ni T kung sino ba daw ang gusto mo. Sinagot mo daw yung pangalan ko pero sinabi mo rin na hindi ka naniniwala sa relationship na nabubuo sa same working environment.


Tinanong ka rin nila tungkol kay H. Sinabi mo daw na sinubukan mo daw talaga. Parang nasaktan ako ng konti, doon sa parte na sinubukan mo. Kasi ibig sabihin nun, nag-consider ka ng iba. Kasi ibig sabihin nun, hindi kita hawak at darating ang panahon na may i-coconsider kang iba. Kasi ibig sabihin nun, posibleng magmahal ka na ulit. Hindi nga lang ako. Magmamahal ka ng iba. Medyo may kirot pa rin ang reality na yan.


Kinilig si S sa nalaman niya na ako daw ang gusto mo. Pero di naman ako naligayahan, nalungkot ata ako (kung totoo man yung lahat ng kwento). Kasi pakiramdam ko, sinabi mong ako yung gusto mo pero kahit kailan hindi magiging sapat na gusto mo lang ako. Kasi nasa iisang lugar tayo. Pakiramdam ko hindi mo ako ganun ka-gusto dahil kahit kailan hindi mo yun maipaglalaban. Kasi may na-set ka na standards at parang imposible yun matibag. Kasi parang, sa ngayon, wala tayong balak umalis dito.


Parallel lines ba tayo? Hindi ba talaga tayo magtatagpo sa gitna? Palagi lang ba tayong nasa parehong lugar pero hindi natin makikita ang isa't isa sa dulo?


***

PUBLISHED DATE: May 22, 2018

POSTED IN: Ang Mag-Move On Ay Di Biro, Tagu-taguan Ng Feelings, Tinatanggi

TAGGED UNDER: ang daming bawal sa mundo, sinasakal nila tayo

Tinatang(g)iTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon