Second week na nating nag-uusap araw-araw. Natutuwa ako. Palagi mo ako ina-update sa buhay mo, parang parte na ako ulit neto.
Pagdating ng hapon, andaming tao sa station ko. Tapos na kasi ang market hours so doon sila lagi tumatambay; nakikipag-usap samen, nakikipagtawan, naghahanap ng makakain, o naglalabas ng sama ng loob. Umaalis ka na ng mga 4:30pm kasi may lakad ka pa, hindi ka nakaka-message. Naiisip ko, hindi ka mag-memessage hanggat maraming taong nakapaligid sakin. Kaya every after mo umalis at nawala na rin ang mga tao sa paligid ko, nagrereact ako sa huling message sa barkada Viber natin, yun sana yung signal na pinapadala ko para sa'yo — pwede ka na magmessage, wala nang tao. At kahit kakarampot minsan ang utak mo, parang nakukuha mo naman yung signal ko. Pagkatapos ko magreact sa barkada Viber, magme-message ka na sa personal; mag-uupdate ka na kung nasan ka na. Pagkatapos mo sa activities mo, magme-message ka na ulit tapos magkukwentuhan na tayo hanggang sa makatulog ka.
Ikaw ang unang natutulog bilang may pagka-lolo ung genes mo. Dati, ang gusto ko sana ay isang taong makakausap ko ng matagal, ng mahaba, ng pinipilit magising para makausap lang ako. Pero ngayon, ayos lang saken na meron kang limited time kasi yung body clock mo kelangan na magpahinga. Ayos lang saken na pag oras ng trabaho, hindi ka nakaka-message kasi focused ka. Ayos lang saken kahit konting pagkakataon lang, nakakausap pa rin kita. Malapit na natin makumpleto yung two weeks. Masaya ka rin ba?
***
PUBLISHED DATE: April 28, 2018
POSTED IN: Tinatangi
TAGGED UNDER: gang kelan kaya kita makakausap, sana di matapos agad
BINABASA MO ANG
Tinatang(g)i
RomancePara sa mga alaala na masakit na gusto mong kalimutan at mga alaalang binabalik-balikan. Almost three years ago, nagpasya na ako magmove-on from a love that I later on confirmed to be a one-way street. Pero before ako fully maglet-go, ibinuhos ko la...