Climax ata ng pagkaheartbroken ko yung kagabi. Suot ko na naman yung floral top na suot suot ko rin nung climax na ng pagkabrokenhearted ko kay C two years ago. Isisi ko nalang kaya sa suot kong damit yung nalaman kong posible ka nang mapunta sa iba. Anong kinalaman ng damit? Wala. Gusto ko lang isiping ang malas niya. Sa lahat ng masasakit na nangyayari saken sa department ng Pag-ibig, lagi siyang present.
Alam mo medyo mahirap, gusto nila iconvince din kita, bigyan din kita ng konting push tungkol dyan sa mga diskarte mo sa bagong taong dumating sa buhay mo — si H. Tancha ko, tingin nila may chance na maconvince kita kasi ang alam nila close tayo and nagoopen-up ka sakin ng mga ibang bagay. Pero pano ko naman sasabihin na di na tayo ganun? Pano ko naman sasabihin na kung tumulong ako parang kumuha na rin ako ng kutsilyo tapos sinaksak ko yung sarili ko? Ang sakit ah: yung taong mahal mo itutulak mo papunta sa isang taong posible niyang matutunang mahalin. BAKIT KO NAMAN GAGAWIN YUN?!
Pero pano rin naman ako tatanggi at hindi susubukang bigyan ka ng push, e kaibigan ako diba? Kaibigan ako from the very beginning. Ito yung obligations ko bilang kaibigan. Tae naman, ang sakit. Alam mo yung di rin naman ako pwede magpakita ng kahit anong negative emotion kasi nagsisimula ka ng bagong lovestory. Ang pangit naman if lalabas akong kontrabida, lalabas akong di masaya. Ayaw ko naman ng ganun.
So sa t'wing kelangan pagusapan kayo sa harapan ko or kung makita ko man kayo sa harapan ko, dapat nakangiti ako. Dapat okay ako. Dapat di ako magpakita ng selos, inis, o pagkadurog ng puso. Kelangan ko tibayan. Sana isang araw, masanay nako at maging genuine lahat ng ngiting ibabato ko sayo lalo pag kasama siya — sa usapan or in person.
Kakampihan pa rin kita hanggang huli. Actually, di naman kita macconvince or mappush kasi may choices ka naman and ayoko talaga makelam sa diskarte mo. Pero kakausapin pa rin kita para magbigay ng unsolicited suggestion. Ipprepare ko nalang din sarili ko kapag finally biglang i-open up mo na saken ang lahat ng updates kay H. Kahit babaliktad ang sikmura ko, kakayanin naman 'to.
Sabi ng The Script, when a heart breaks, it don't break even. Ako lang yung nadudurog. Ako lang yung nasasaktan. Ako lang yung naniwala satin. Ako lang yung umasa. Ang lupit, lupit, naman ng tadhana.
***
PUBLISHED DATE: April 7, 2018
POSTED IN: Tadhana Your Face, Tagu-Taguan ng Feelings, Tinatanggi
TAGGED UNDER: narating na ba natin ang dulo tanong ni Sarah G, yes ito na narating na natin ang dulo

BINABASA MO ANG
Tinatang(g)i
RomancePara sa mga alaala na masakit na gusto mong kalimutan at mga alaalang binabalik-balikan. Almost three years ago, nagpasya na ako magmove-on from a love that I later on confirmed to be a one-way street. Pero before ako fully maglet-go, ibinuhos ko la...