[BONUS ENTRY] Single Po Ako Since Birth

17 0 0
                                    

27 years on Earth at wala ni-isa ang napagtagumpayan ng napakagandang hubog ng aking....puso HAHAHA chos! At 11 years old, 1st year high school, tinanong ko na si Ma if pwede na ba ako magboyfriend kasi shempre di tayo papayag na crush-crush lang. As a responsible member of the young generation, uhaw tayo dito sa kilig at emosyon. At ang tanging naging sagot ng nanay ko sakin ay isang napakatinding silence. At bilang rational na tao, silence means yes, diba? HAHAHA. Ganito tayo, ipipilit ang mga bagay sa panahong tingin nating akma na para satin.



Marami akong naging crush para more chances of winning in kilig. Sa bawat life stages ko, nag-aasign ako ng one serious crush -- yung tingin kong may potential. Yung parang "di naman malayong magustuhan din ako neto". So bale, meron yan nung high school, college, at kahit ngayong working na. Paniwalang-paniwala ako sa isip at puso ko na "shux I think this is it, I think he likes me too". Nagawa ko pang magpababa ng grades dati para maging ka-section ko si high school crush, tapos nung naging ka-section ko na, ayun, nanligaw siya ng iba. Damn u, unibers. HAHAHA.



Pero shempre di pa rin tayo matututo agad agad, kasi ang pag-aassume ay nakakadagdag ng 4768416415 days of happiness in a person's life. Lahat ng bagay gagawan mo ng meaning. Lahat ng kagagahan, magagawa mo. Takot ka sa watusi na nilalaro ng mga bata sa tapat ng tindahan ng load every new year? Susugurin mo pa rin ang tindahan makapagpaload lang kasi nagtext na si college crush! Kahit kumakabog ang dibdib mo sa takot, ok lang yan, anything for the chance to talk to the person you "crush" the most.



At ngayong naka-move on ka na sa mga pinagdaanan mo nung younger days, you think may wisdom ka na sa mga ganitong bagay. Yung tingin mo, this time around di ka na magkakamali, na finally tatama na ang assumptions mo kahit lahat ng tao sa paligid mo is convinced otherwise, thus, parehong-pareho pa rin ang ending kahit kay office crush. Hindi ka pa rin talaga crush ng crush mo. HAHAHA. Hindi pa rin pala talaga sila yung "this" sa lahat ng "shux, this is it" na nasabi mo sa sarili mo. Pero di naman tayo nawawalan ng pag-asa na natututo tayo sa lahat ng pagkakamali.



At natututo na me. LEGIT na ito, mga kapiitbahay. Shemps, pasalamatan natin ang Lord na gumabay sa lahat ng pag-ibig na hindi naman talaga nakalaan para sa atin.



So beshie, to answer your question: Bakit ako ang kelangan mapili?



Kasi never pa nangyari yun. Yung ako naman yung pinipili for a change. Yung di pinipilit. Yung di ka option lang. HAHAHAHA chos lungs! Pinili ko naman ang sarili ko, pinili ko naman ang matuto, ang bumangon, ang isulat ang mga napagdaanan ko in the quest of Finding the One. Lols. Everything's fine and good, I got the Lord, my family, my friends, and I got a story to tell pag dumating na ang tamang tao.



Pero you know, if you wanna choose me, by ALL means. Napahaba na tuloy ang kwentong fibisco ko.


Ikaw ang diyos at hari ng iyong mundo - matakot sila sayo,
Niña


***

EMAILED TO WHENINMANILA (pero di naman nila ako nireplyan kasi video pala need nila): August 8, 2019


***

TAPOS NA. THE END. WALA NANG NEXT PAGE.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 23, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tinatang(g)iTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon