CHAPTER 28:Stay By My Side

5.5K 66 8
                                    

Brithney P. O. V

"WRONG MOVE,baby." Paulit-ulit na aniya. Oo na at wrong move ako,eh kasi naman. Napalunok ako nang mas ibaba niya pa ang strap ng sando ko. Malapit nang makita ang hinaharap ko sa patuloy na pagbaba niya sa strap ng sando ko.

"Mas ginaganahan ako kapag nakikitang kabado ka." Aniya at hinalik-halikan ang balikat ko papunta sa may leeg ko. Napadiin naman ang pagkadikit ng mga ipin ko dahil nanlalambot ako. "Pinagsisihan mo na ba na tumakas ka?" Nandoon sa boses niya ang pang-aasar.

"H-hindi naman ako t-tumakas. U-umihi lang---" Pinutol niya ang sasabihin ko kasabay ng pagtitig niya sa akin.

"Hindi ka tumakas pero kung makatakbo ka parang---" Ako naman ang nag-putol sa sasabihin niya.

"Tumakbo a-ako kasi naiihi nga ako." Parang 'yon na ang pinaka-maayos na palusot ko ngayon. Tumaas ang isang kilay niya at parang pinag-aaralan kung ano ang ekpresyon ng mukha ko.

"Hmm." Tanging tugon niya at hinila ako papunta sa kama. "Tabi tayo." Binuhat niya ako paharap sa kanya kasabay ng pag-upo niya sa kama. "Naiinis parin ako." Biglang sambit niya.

"B-bakit naman?" Tungkol parin ba sa pagkakaroon ko ng period? Kukulitin na naman ba niya ako kung paano titigil 'yon? Nako naman.

"Eh kasi 'yang period na 'yan." Nakangusong aniya. Sabi na eh 'yon parin ang issue. "Gustong-gusto kita ngayon eh. Breakfast." Aniya at tiningnan ang hinaharap ko. "I want to eat a breast---I mean bread." Alam kong ang hinaharap ko ang tinutukoy niya,sadyang nagpapalusot lang siya na tinapay ang gusto niya.

"B-bread? Pero walang tinapay dito." Kunyareng maang-maangan ko,kahit pa alam kona ang tinutukoy niya o sadyang nag-aasume lang ako?

"Meron.Mas masarap pa sa bread na iniisip mo ngayon." Aniya. Sa puntong ito alam kong hindi lang ako nag-aasume kasi yung hinaharap niya ang tinutukoy ko. Nakababa na ang strap ng sando ko at kita na ang bra ko na nakatakpan sa hinaharap ko.

"It is not just a bread but pwede ding sipsipin." Habang tumatagal ang ganitong usapan namin mas nagiging masagwa na ang pinagsasabi ng lalaking ito. Sanay naman na ako,pero nakakapangilabot padin talaga. Parang una pero halos paulit-ulit ng nangyare.

"Bright naman." Ito na naman ang hiya na parang kanina halos pangunahan ako ng lakas ng loob tapos ngayon? Hiya na naman ang bumabalot sa dibdib ko. "May nangyari narin n-naman sa atin kagabi...a-ano." Tama ba ang sinasabi ko? Ano bang dapat idahilan ko? Eh kahit sabihin kong may period ako alam kong sasabihin na naman niya na may labi,leeg at may dibdib pa naman ako.

Pero bakit ako magdadahilan? Gayong alam ko sa sarili ko na gusto ko din... Ano ba Brithney?! Tumakas nga ako kanina para makaiwas tapos aaminin ko na gusto ko din? Napaka-gulo ko na. Yung pag-iwas ko kanina napapalitan na ng pag-sang-ayon ngayon. Nadadala na naman ako kaya nagbabago na naman ang takbo ng isip ko.

"Hmm?" Aniya habang palapit ng palapit ang mukha niya sa akin. Ito na at bumibigay na ako samantalang kanina panay ang pagdadahilan ko. Wala narin naman akong takas at isa pa...sang-ayon na ako.

Hanggang sa maglapat na ang mga labi naming dalawa. Ipinalupot ko ang mga kamay ko sa may batok niya at hinalikan siya pabalik. Pero hindi nagtagal ang halikan namin dahil siya mismo ang pumutol nito. Nagtaka ako pero agad kong minulat ang mga mata ko.

You're Not My SISTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon