Chapter 15:Who's BIH?

11.5K 156 39
                                    

Brithney P. O. V

"PLEASE Baby, lets talk." Pakiusap ni Kuya Bright habang panay ang sunod saakin papunta sa kusina. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagtungo ng kusina.

"Please. Lets talk." Hinila niya ang kamay ko at iniharap niya ako sakanya. "Huwag naman ganito, Brith... Please." Dagdag na ani niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi parin nawawala ang sakit sa puso ko.

Masakit yung nakita ko, masakit na tinapos ko yung relasyon namin. Napakasakit na ganito kami ngayon. Pero alam kong ito ang tama dahil ang dapat turingan  namin ay magkapatid lang.

"A-ano bang pag-uusapan natin,Kuya?" Iniwaksi ko ang kamay ko na hawak niya at lumayo ng bahagya sakanya. Maamo ang mukha niya habang nakatingin saakin, pero ayoko nang maakit sa maamong mukha niyang iyon.

"Baby..."

"Kuya! Don't call me Baby! D-diba tapos na tayo?" Ani ko. Umiling iling siya at muling hinawakan ang kamay ko.

"Ikaw lang ang pumayag. Pero ako, hindi. Ano ba?! H-hindi ko maintindihan! A-ano bang nagawa ko?"

"Kuya, hindi kita mahal." Napakasakit sa loob ko na sabihin ang salitang iyon na pawang kasinungalingan lamang. Ang hirap hirap pigilan ng aking nararamdaman pero mali eh... Saan man tingnan na anggulo, maling mali.

"Hindi ako naniniwala."

"Alam kong hindi m-mo narin ako mahal. R-ramdam na ramdam ko, Kuya. Ramdam na r-ramdam ko ang panlalamig mo. P-pero tiniis ko iyon. At alam kong mali rin ang relasyon natin dahil magkapatid tayo." Nanginginig ang mga kamay ko at alam kong alam niya iyon dahil hawak niya ang isa rito.

"Brithney... H-hindi ganoon yun." Ani niya. Umiling iling ako at yumuko nalang. Hindi ko kayang tagalan ang  titig ng kanyang mga mata.

"Kuya. Mabuti nang tinapos kona ng maaga ang kahibangan nating dalawa. T-tutal malapit ng umuwi sina Mee at Dee." Muli kong hinugot ang kamay kona hawak niya at lumayong muli sakanya.

Bumuntong hininga ako. "M-matatapos narin n-naman ang tatlong buwan na pinag-usapan natin. Kaya ngayon p-palang tinatapos kona."

"Do you think mamahalin lang kita ng tatlong buwan?! Brithney! Mahal na mahal kita! At ayoko ng matapos ang tatlong buwan na iyon. I want to love you... Forever." Ani niya... Pero alam kong may iba kana, Kuya.

Kitang kita ng dalawang mata ko. Kung gaano  sila kasayang dalawa. Kung paano ngumiti ang babae na kasama niya.

"Iba nalang ang alayan mo ng pagmamahal mo, Kuya. Huwag saakin dahil wala naman patutunguhan ang relasyon natin k-kung ipagpapatuloy pa. Dahil simula't sapul, magkapatid tayo at hindi magbabago i-iyon."

You're Not My SISTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon