CHAPTER 27:Wrong Move

7.1K 81 18
                                    

Brithney P. O. V

Nagising ako na nakahiga na ako sa aking kama at may saplot na ako. Inilibot ko ng mata ko sa buong paligid at masasabi kong nasa kwarto ko na nga ako.

Napunta ang tingin ko sa orasan ko na nakasabit sa dingding. Halos ala-singko na ng umaga. Agad akong nagtungo ng banyo at naligo na. Malagkit ang pakiramdam ko kaya kailangan ko itong linisin lalo na't may dalaw ako ngayon,at ngayong umaga ko lang napansin.

Pagkatapos kong maligo ay agad kong kinuha ang extra na uniform ko. Nagbihis ako na may galak sa puso ko. Hindi rin mawala-wala ang ngiti na sumisilay sa aking labi. Sino bang hindi magiging masaya kapag alam mona na wala ng ano pang problema.

Lumabas na ako ng kwarto ko at napatingin sa pinto ng kwarto ni Bright. Gising na kaya siya? Naglakad ako palapit sa pintuan ng kwarto niya. Umakto ako na kakatok pero para akong naestatwa dahil parang namuo na naman ang hiya sa loob ko.

Madiin akong napapikit at humingang malalim. Bakit ba hindi na lang mawala 'yung hiyang nasa dibdib ko. Halos mag-kasama naman kami araw-araw pero kahit ganoon ay nandoon parin 'yung hiya.

Nag-isa na ang mga katawan namin ng paulit-ulit. Pero nandoon talaga ang hiya kahit pa may nangyayari sa amin. Ganoon ba talaga ako kama-hiyain?

Iminulat ko ang mga mata ko at pagmulat ko ay nandoon ang gulat ko dahil nandito na siya sa harap ko samantalang wala man lang akong naramdaman na pagbukas ng pintuan niya. Ganoon ba kalalim ang iniisip ko kaya hindi nagawang mapansin siya?

"Good morning,baby." Naka-ngiting aniya at hinalikan ang noo ko. Samantalang ako,ito parang estatwa na hindi gumagalaw at tanging natitig lang sa kanya.

"Hey." Nakakunot ang noo niya na parang nagtataka sa inaasta ko ngayon. "Baby?" Hinawakan niya ang kamay ko kaya naman napatingin ako doon. Biglang nag-init ang ulo ko at agad na hinila ang kamay ko.

"Bitawan mo ako." Sinamaan ko siya ng tingin kaya ganoon na lang ang gulat niya.

"Baby? Ano bang nangyayare sa'yo?" Iniisip ko siya kanina at nandoon ang ngiti sa labi ko. Pero bakit ngayong kaharap ko siya ay bigla akong nainis? Ano bang kabaliwan 'to?

"Naiinis ako sayo." Ani ko. Napanguso naman siya kaya naman napangunot ang noo ko. Ano bang klaseng mukha 'yon? Nag-papacute ba siya?

"B-bakit ka naman naiinis sa akin? Baby? Did I do something wrong?" Lumapit ito sa akin pero umatras ako. "Baby."

"Ewan ko. Basta naiinis ako." Lalong kumunot ang noo niya.

"Ano ba kasing ginawa ko?" Mahinhin na aniya. Lumapit siya ulit sa akin. Pero nang akmang aatras ulit ako ay hinapit niya nang mabilisan ang bewang ko at inilapit niya ako sa kanya. "Kagabi naman ang saya at ang...sarap. Pero bakit ka biglang nainis sa akin?" Mahinhin parin siya.

"Hindi ko nga alam,eh." Sambit ko at umiwas ng tingin. "Siguro kaya ganito ako kasi---" Hindi pa man ako tapos magsalita ay siya na ang nagdugtong.

"Kasi buntis ka?" Agad naman akong napalingon sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Ano? Hindi,ano ka ba? Ang ibig kong sabihin eh may dalaw ako ngayon kaya siguro ganito ako ngayon,mainitin ang ulo." Ani ko at napatango-tango naman siya.

You're Not My SISTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon