CHAPTER 25:Bright's sulk

8K 96 12
                                    

Brithney P. O. V

"Pahinga na kami,Mee at Dee." Sambit ni Bright matapos naming magpahinga dahil kakatapos lang namin kumain. Nakaupo kaming apat sa sofa habang nanunuod ng telebisyon. Napanguso ako dahil gusto ko pang makasama sina Mee at Dee.

"Mauna kana,Bright." Ani ko kaya naman napakunot ang noo niya. "Gusto ko pa kasi makasama sina Mee at Dee." Nakangiting ani ko saka lumingon saglit kayna Mee at Dee bago lumingon ulit kay Bright na naging blangko ang mukha.

May nasabi ba akong mali para maging ganoon ang reaksyon niya? Gusto ko lang naman talagang makasama pa sina Mee at Dee. 

"Okay." Tugon niya at tumayo na para maglakad papunta sa kwarto niya. Nang makapasok na si Bright sa Kwarto niya ay pumagitna ako kayna Mee at Dee para mayakap nila ako.

"Nagtampo Baby mo,Brithney." Biglang bulong ni Mee kaya naman napalingon ako sa kanya kasabay ng mapang-asar na tingin niya.

"M-mee naman eh." Ani ko at ngumuso. Nakakahiya kaya iyon,sobra.

"Tama ang Mee mo,Anak. Mukhang nagtatampo ang Baby mo." Panunukso din ni Dee. "Alam mo bang ganiyan ako sa Mee mo kapag hindi niya sinasabayan ang trip ko." Narinig ko pa ang munting pagtawa ni Dee. "Daig ko pa ang batang hindi binilhan ng laruan kung magtampo." Dagdag nito.

"Tama ang Dee mo. Nako! Talaga namang napakahirap suyuin." Naiiling-iling na tugon ni Mee. "Pero alam mo ba ang makakapag-pahina sa kanya at ang paraan para hindi siya magtampo?" Ani ni Mee.

"Ano po Mee?" Interesadong ani ko. Ano kaya iyon?

"Kwentuhan." Sambit ni Mee saka tumingin kay Dee. Ibang tinginan ang nakikita ko sa pagitan nila.

"Kwentuhan po?" Tanong ko. Kwentuhan lang ang nagpapa-alis ng tampo ni Dee? "Tungkol saan naman po ang kwentuhan ninyo at naalis po ang tampo ni Dee,Mee?" Dagdag na tanong ko.

"Tungkol sa pagpapasaya sa isa't isa." Nakangiting ani Mee at nagkagat labi pa. Pakiramdam ko ay nakukuha ko na ang kwentuhan na sinasabi nila.

"Ahhh hehehe." Hindi ko alam ang sasabihin ko kahit pa nakukuha ko ang mga sinasabi nila. Alam ko iyon dahil si Bright ang unang nakapagparamdam sa akin ng kakaibang pakiramdam na iyon.

"Kaya Anak,kapag alam mong nagtatampo siya ay suyuin mo. Pero 'pag hindi tumalab?" Ani ni Mee.

"M-makipagkwentuhan." Sagot ko naman.

"Daanin mo siya sa pakikipagkwentuhan para makalimutan niya na kayong dalawa pala ay may tampuhan." Dagdag ni Mee kaya napatango na lang ako dahil pakiramdam ko ay green minded lang ako.

"O-opo Mee. Uhmm pahinga na po ako." Ani ko at tumayo na sa inuupuan ko saka nagmano sa kanilang dalawa. "Masaya akong nandito na kayo ni na Dee,Mee. Salamat po." Niyakap ko pa sila bago humiwalay na sa kanila. Ngumiti silang dalawa at tango. Ngumiti din ako bago maglakad papunta sa harap ng kwarto ni Bright.

You're Not My SISTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon