CHAPTER 32: Weyn

5.2K 46 28
                                    

Brithney P. O. V

"Sa tingin mo hindi na magbabago ang takbo ng utak ni Malandy, Bright?" Tumingin ako kay Bright na tila malalim ang iniisip. Ako mismo hindi ko magawang masagot ang sarili kong katanungan.

"Bright?" Tawag ko sa kanya ng hindi niya ako sagutin. "Ano bang iniisip mo?" Sa puntong ito ay tumingin na siya sa akin. Maayos akong nakatayo habang nakatingin sa kanya. "Iniisip mo parin ba ang sinabi ni Malandy? 'Yung mga pagbabanta niya?" Hinawakan ko ang mga kamay niya upang sa gayon ay mapagaan ko ang pakiramdam niya.

"Nag-aalala lang ako sayo, Baby." Yumakap siya sa akin at hinalikan niya ang noo ko na siyang naging dahilan upang mapapikit ako. "Pakiramdam ko ay ang bigat ng dibdib ko. Naiisip ko din 'yung sa panaginip ko. Ayokong mangyare 'yung panaginip ko kasi hindi ko kakayanin 'yun." Aniya habang nanatiling nakayakap sa akin.

"Kalma, Bright." Hinagod ko ang likuran niya at tumingala at tumingin sa kanya. "Hindi mangyayare 'yon, okay? Kalma ka lang. At huwag mo nang masyadong isipin pa 'yon. Mas nag-aalala lang ako sayo, eh." Ani ko. Tumingin din siya sa akin na may tingin ng pag-aalala.

"Hindi ko naman kasi maiwasan, Baby." Hinagod niya ang buhok ko habang ang isang kamay niya ay nakayakap parin sa bewang ko. "Ayoko lang na mapahamak ka at may mangyareng masama sa iyon." Ani Bright.

"Hindi ko d-din naman ipapahamak ang sarili ko eh." Sagot ko sa kanya. "At hindi ko din naman hahayaan na mapahamak ka ng dahil lamang sa akin. Alam ko naman at ramdam ko 'yung pag-aalala mo hmm? Pero please? Huwag mo din pabayaan ang sarili mo dahil lang sa iniisip mo ang kalagayan ng sitwasyon natin ngayon." Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinakatitigan siya ng maayos. "Please?" Ani kong muli.

Nakita ko siyang tumango kung kaya napangiti ako sa kanya. Muli ko siyang niyakap at puntong ito ay mahigpit pa. "I love you, Brith." Aniya na siyang nagpangiti sa akin ng todo.

"I love you too, Bright." Ngiting ani ko kasabay ng paghalik niya sa buhok ko. "Huwag mo na munang isipin ang mga problema ah?" Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at tumayo ng maayos. "Nakakabawas ng kagwapuhan mo eh." Natatawang ani ko sa kanya na siyang nagpa-tsked sa kanya habang nakangiti. "Ayan. Ngiti lang." Hinagod ko ang buhok niya kasabay ng pagtatama ng mga mata namin sa isa't isa.

"Mga tingin mo sobrang nakakaakit." Sambit ni Bright sa tonong namamaos. Napalunok ako dahil ang boses naman niya ang nakakaakit. "Simpleng kilos mo lang...nabubuhayan ako." Ang kaba ay nagsimula na namang mamumuo. Kaba na siya lang ang nakakapag-paramdam sa akin ng ganito. Kaba na minsan nalalabanan ko at ako naman ang nagpaparamdam sa kanya ng ganoon.

"Pakiramdam ko...gusto kitang angkinin ng paulit-ulit." Nakita ko kung paano niya kagatin ang pang-ibabang labi niya na siyang dahilan upang mapaiwas ako ng tingin. "Paulit-ulit." Naramdaman ko ang hininga niya sa may bandang leeg ko.

You're Not My SISTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon