Brithney P. O. V
"BABY?" Rinig kong ani ni Bright. Bakit ganoon? Hindi si Bright si BIH? Hindi ko maintindihan. Naguguluhan ako at gusto kong malaman ang kasagutan. Hindi nga ba si Bright si BIH?
Sino naman si Brix Ian Herniano?
"B-Bright sino si B-Brix Ian H-Herniano?" Tanong ko at deretsong nakatingin sa kanya. Pero bago siya sumagot ay umalis na ako sa kandungan niya. "Tell me. Who is he?" Walang kibo si Bright habang nakaupong nasa akin ang tingin.
"Tell me, Bright! Who is he?" Pero kahit nasa tono ko na ang galit ay hindi parin siya kumibo. Deretso ang bawat tingin niya. Hindi ko alam pero may parte sa akin na galit na hindi ko alam ang dahilan at lungkot dahil sa nalaman at naaalala kong hindi siya si Bih.
Bakit hindi siya si Bih? Bakit hindi na lang siya? Bakit iba pa? Kung pwedeng si Bright na lang.
Sino ang Brix na iyon? Nagkaroon kami ng relasyon at base 'yon sa pumapasok sa aking isip. Pero nandoon sa akin ang panghihinayang sa naalala ko. Na hindi si Bih si Bright.
"B-Bright..." Magkatitigan parin ang mga mata namin. Pero wala akong makuhang sagot sa mga mata niya na kung paano niyang ayaw sagutin gamit ang bibig niya. "Sabihin mo na..." Hinawakan ko ang mga kamay niya at lumuhod sa harap niya. Nakita ko kung paano siya magulat sa pagluhod na ginawa ko.
"Brith... T-tumayo ka d'yan---" Pinutol ko ang sasabihin niya at inilapat ang mga kamay niya sa noo ko.
"Kahit ngayon l-lang pagbigyan mo na ako, Bright. Kahit ngayon lang. Bast malaman ko lang kung sino si Brix." Tumingala ako sa kanya at nag-mamakaawang naka-tingin sa kanya.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at tumingin sa paligid habang kagat niya ang labi niya bago muling tumingin sa akin.
"Bright..."
"Tumayo ka d'yan." Itinayo niya ako pinaupo niya ako sa tabi niya. "Sasabihin ko na." Muli siyang bumuntong hininga at tumingin sa akin. "Brix is my brother." Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.
"B-Bright?" Ayokong maniwala sa sinabi niya pero 'yon ang totoo. Kapatid niya ang Brix na iyon?
"Tama ang narinig mo,Brith. Kapatid ko si Brix. Kapatid ko na talaga namang hinahangaan ko. Idol ko siya." Nakita ko kung paano siya ngumiti ng mapait at tumingin sa harapan niya. "Pinapangarap ko na maging siya. Mabait na Kuya,mapagmahal,masipag,
maintindihin. Lahat ng magandang ugali ay nasa kaniya na." Tumingin siya sa akin. "That's why hindi na ako nagtataka kung bakit naging kayo." Isang mapait na ngiti ang sumilay sa labi niya.Nandoon ang kirot sa puso ko dahil sa kung paano pilit na ngumiti sa akin si Bright. Ngiting dati ay nakita ko na sa kanya noong hindi pa kami ganito ngayon.
"Bukang bibig ka niya,Brith. Halos ikaw ang topic namin kapag uuwi siya galing sa inyo. Walang araw na hindi ka namin pinag uusapan. Ganoon ka niya kamahal. Masaya ako para sa kanya dahil deserve naman niya talagang sumaya." Unti-unting lumulungkot ang pananalita niya na lalong nagpapakirot sa dibdib ko.
Halata sa pagkwe-kwento niya na kung gaano niya kamahal ang Kuya niya. Hinahangaan niya ito at tinitingala pero nasaan na ito?
"Masaya ako para sainyong dalawa no'n. Masasabi kong perpekto ang relasyon niyo. Kung may away? Pag-uusapan. Kapag may pinagseselosan? Magpapaliwanag. Kapag may hindi pagkakaunawaan? Iniisip niyo kung gaano niyo kamahal ang isa't isa. Nakakahanga ang relasyon niyo." Yumuko siya at narinig ko ang mabibigat na pagbuntong hininga niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/222307619-288-k369228.jpg)
BINABASA MO ANG
You're Not My SISTER
RomanceWARNING: MATURED CONTENT R18+ SPG "An affair but not forbidden." PHOTO NOT MINE, ctto: misaki from pinterest All Rights Reserved A jejemon story by:trytobewithme End: May 16, 2024 Unedited