Brithney P. O. V
"Wake up sleepyhead." May kung sino akong narinig na tinig na nang-gigising sa akin. Tanging ungol lang ang itinugon kasi antok-antok pa ako. "Wake up na,Baby." Aniya at hinalik-halikan ang magkabilang pisngi ko.
"A-antok pa ako." Ani ko at tumagilid pa. Pero talagang makulit siya at pilit akong itinihaya.
"Wake up. Mamamasyal tayo." Aniya at siya mismo ang nagpabangon sa akin. Nakabusangot naman akong bumangon nalang. "Take a shower." Itinulak-tulak pa niya ako papuntang banyo. "Or maybe us?" Akmang papasok din siya ng banyo ng pigilan ko siya.
"Remember? I have a period." Ani ko. Bilang umikot ang mata niya at tila naiinis pa.
"Damn that fucking period." Natawa na lang ako sa reaction niya. Isinarado ko na ang pinto at naligo na gaya ng sabi niya. Pagbukas ko ng pinto ng banyo ay wala na si Bright sa loob ng kwarto ko.
Kaya naman nakapagbihis ako ng maayos. Pero hindi ko alam kung ano ba ang dapat suotin. Kailangan ba revealing? Sexy? Or pormal lang? O yung normal?
"Anong susuotin ko?" Tanong ko sa sarili ko. Napalobo ko ang bibig ko dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon. Napunta ang tingin ko sa isang kulay purple na dress. Simple lang ito pero para saakin napakaganda ng kulay nito. Kagat labi ko itong tinitigan. Napangiti ako at iyon na ang sinuot ko.
Hindi ko akalaing babagay sa akin ang dress na ito. Nakangiti ako habang nakatingin sa salamin. "Napakaganda." Ani ko at umakto pa na iikot. "Bagay pala ito saakin." Patuloy parin ako sa pagtingin sa salamin at hindi nawawala ang ngiti sa labi ko.
"Saan naman kaya kami pupunta ni Bright?" Nakagat ko ang labi ko dahil alam kong mag-dadate kaming dalawa. Napaupo ako sa kama ko at inilugay lang ang buhok ko.
"Ito ba ang unang lalabas kami? Kailan ba kami nagdate? Una palang ba ito? Ano ba yan diko matandaan." Napanguso habang nagsusuklay ng buhok ko.
"Parang una pa nga lang ito---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang may kumatok sa pintuan ko. Tumayo ako para buksan iyon at tila nag slowmotion ang paligid pati na rin ang pagbukas ko ng pinto.
Magkatitigan ang mga mata namin at nahagip ng mata ko ang pagkagat niya sa ibabang labi niya. Napayuko naman ako dahil bigla akong nahiya. Kakambal ko na ba talaga ang hiya?
"You're so beautiful--- gorgeous--- damn those words isn't enough to describe you right now." Nagagandahan na siya sa akin? Samantalang wala pa akong inilalagay na kolorete sa mukha ko. Balak ko sana maglagay pero nawala sa isip ko habang tinititigan ko ang sarili ko na suot ang dress na ito.
BINABASA MO ANG
You're Not My SISTER
RomanceWARNING: MATURED CONTENT R18+ SPG "An affair but not forbidden." PHOTO NOT MINE, ctto: misaki from pinterest All Rights Reserved A jejemon story by:trytobewithme End: May 16, 2024 Unedited