Brithney P. O. V
Nagpatuloy ang pananakit ng aking ulo pero hindi ko iyon binigyan ng pansin dahil baka natural lang iyon kapag puyat. Pero hanggang ngayon ay gumugulo parin sa isip ko kung sino ang Bih na iyon. Nakakakaba. Nakakapagtaka. Hindi ko alam pero malakas ang kutob ko na may koneksiyon kami ng lalaking iyon na pumapasok sa isipan ko.
"Sino ba iyon?" Naglakad ako papuntang teransa ng aking kwarto at pinagmasdan ang nakakasilaw na sinag ng araw.
Hindi parin nawala ang sakit na nararamdaman ko kahit pa ipilit ni kuya na hindi namin pwedeng tapusin ang kung anong mayroon kami. Pero mali naman kasi. Maling-mali iyon. Kapatid ko siya at kapatid niya ako. Hindi ba't sapat na dahilan na iyon para tapusin namin ang kung anong mayroon kami.
"Kung sino ka mang Bih ka, I hope makilala kita." Bumuntong hininga ako at tumalikod sa tanawin na tinitingnan ko at humarap sa loob ng aking kwarto.
"Kuya Bright? Nasaan ka kaya?" Muli akong napabuntong hininga dahil sa binanggit ko. Bakit ko siya kailangang hanapin? Bakit hinahap hanap ko siya? Anong dahilan?...
Dahil hanggang ngayon mahal parin kita... Bright
Saglit akong pumikit bago pumasok sa loob ng aking kwarto. Nakakawalang gana na lumabas ng kwarto dahil wala naman akong makakausap. Bukod sa wala si Kuya brigth ay hindi ko naman siya magagawang makausap.
Akmang kukuhanin ko na ang cellphone ko ay bigla muling sumakit ang ulo ko. "Argh!" Napahawak ako sa ulo ko dahil napakasakit talaga nito.
***
"Mama!"
"Brith." Nakangiting sambit ni Mama at niyakap ako ng mahigpit. "I miss you." Hinalikan ko siya sa pisngi na siyang ikinatawa niya.
"I miss you too, Mama."
"Nako, anak. Hanggang ngayon ay para kang bata." Pinisil niya ang ilong ko kaya naman napasimangot ako.
"Bata pa po naman ako, diba? Baby niyo po ako eh." Kunyareng nagtatampong ani ko.
"Oo nga pala, Hahaha. So? Kamusta kayo ng boyfriend mo?"
"Ayos lang po kami ni Bih. Masaya po. Masayang-masaya po, Mama. Yung tipong hindi po ako nakakaramdam ng lungkot kapag kasama ko siya." Nakangiting ani ko. Totoo iyon. Masaya akong kasama siya. Masaya sa pakiramdam na meron akong katulad niya.
"Alam ko ang nararamdaman mo, anak. Dahil naranasan ko na din iyan sa Papa mo." Gaya ko ay nakangiti din ito saakin.
"Ang sayo po, diba?"
"Masayang-masaya, Anak ko."
"I love you, Mama."
"I love you, Brithney."
***
BINABASA MO ANG
You're Not My SISTER
RomanceWARNING: MATURED CONTENT R18+ SPG "An affair but not forbidden." PHOTO NOT MINE, ctto: misaki from pinterest All Rights Reserved A jejemon story by:trytobewithme End: May 16, 2024 Unedited